Chapter 1

685 Words
Chapter 1        Nandito ako ngayon sa 7 eleven, nagtitingin-tingin ako ng puwedeng kainin, gutom ako e. Nahagip ng mata ko ang isang chocolate na naka balot sa kulay purple na plastic, lumapit ako doon at kinuha iyon.   Cadbury, mukhang masarap 'to ah. Tinignan ko ang presyo, pambihira ang mahal! Hindi keri ng budget ko. Lumingon-lingon ako sa paligid.   Yung cashier masyadong busy dahil maraming customer, yung guard naman na nagbabantay sa labas hindi naman nakatingin dito dahil ang focus niya ay ang mga tao sa labas. Dahan-dahan kong ipinasok sa loob ng jacket ko ang cadbury.   "SHOPLIFTER!"   Ah! Nayari na! May nakakita pala saakin, kaagad akong tumakbo palabas. Lesson learned: Next time, pati sa likod titingin na rin ako, hindi lang sa side.   "GUARD SHOPLIFTER YAN HUWAG MONG PAPALABASIN!" dinig kong sigaw nung babae, too late nakalagpas na ko. Kaagad akong hinabol nung guard.   "HOY! BUMALIK KA RITO!" sigaw nung guard, napailing na lang ako habang tumatakbo. Siraulo ba siya? Bakit ako babalik dun? Edi nakulong ako? Patuloy lang ako sa pagtakbo, nakakapagod naman. Tang ina kasi, para chocolate lang ipinagdadamot. Tss.   Nahagip ng mata ko ang isang lalaking purple ang buhok, naglalakad siya papunta sa direksyon na tinatakbuhan ko.   "HOY POGI!" Tawag ko sakanya habang tumatakbo, nakuha ko naman ang atensiyon niya. Tinuro niya ang sarili niya na para bang nagtatanong siya kung siya ba ang tinatawag ko. Habang tumatakbo ako, kinuha ko yung cadbury sa jacket ko. "CATCH!" sigaw ko at inihagis iyon sakanya, mukhang alisto ang isang 'to at kaagad niyang nasalo. Ngumisi ako at mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo at nilampasan na siya, nakakita ko ng mga maraming taong nagkukumpul-kumpulan kaya sumali ako sakanila. Natawa ako sa loob-loob ko, tignan ko lang kung mahanap mo pa ako manong guard na malaki ang tiyan!   Nakakita ako ng isang masikip na kanto, at pumasok ako doon. Sinilip ko ang direksyon nung purple hair, kausap niya yung guard.   "HINDI KO NGA SIYA KASABWAT! f**k!" Sigaw nung purple hair.   "Sa presinto ka na magpaliwanag!" Sabi noong guard at akmang poposasan si purple hair pero mabilis niyang inilag ang kamay niya.   "DAMN IT! Inaakusahan niyo na kriminal ako?! Tang ina! Bakit ako magnanakaw ng isang chocolote kung kayang-kaya ko namang bumili?! Damn! Ang bobo!" Mukhang nauubusan na ng pasensiya si purple hair. Hindi nakasagot yung guard, kinuha ni purple hair ang wallet niya mula sa bulsa niya, nag-ala matang lawin naman ang mga mata ko para masilip ang nilalaman non nung buksan niya iyon. Nyeta, ang daming pera!   Kumuha siya ng 1 thousand at iniabot sa guard. "Oh ayan! Keep the change! And bring this f*****g cadbury with you!" Galit niyang sabi at marahas na ibinigay yung cadbury sa guard. Letse, binayaran mo na rin lang bakit ibinalik mo pa?! Edi sana saakin mo na lang ibinigay!   "Sorry sir." Hinging paumanhin nung guard.   "Hindi ko kailangan ng sorry mo, alam mo ba na pwede kitang ipademanda dahil-"   "Sir sorry na nga ho, nagkamali lang ako ng akala. Pasensiya na ho." Mahinahong sabi nung guard.   Napailing lang si purple hair at tinalikuran na yung guard, kaagad naman akong nagtago. Baka mamaya makita niya ako.   Pinapaypayan ko ang sarili ko gamit ang palad ko, ang init. Pinag papawisan ako. Kailangan ko ng umuwi para makaligo, wala palang ulam sa apartment ko, wala ring kanin. Bwiset, gutom na pa naman ako. Hihingi na lang ako kina Cholo.   "Sinong pinagtataguan mo?"   "Ah, wala. Yung purple hair na lalaki tsaka yung guard." Sagot ko doon sa nagtanong saakin pero hindi ko pa rin siya tinitignan, busy ako sa pag-ayos ng hair ko.   "Bakit mo sila pinagtataguan?" Tanong niya ulit.   "Secret, bakit ko naman sasabihin sayo." Sabi ko at nagpatuloy sa pag-aayos ng buhok ko.   "Nice hair," puri niya.   "I know, kaka dye lang ng hair ko e. Ayos ba?" Sabi ko at hinarap siya.   "s**t!" Mura ko dahil sa gulat, ang tanga mo Rexenne! Hindi mo man lang napansin na may kausap ka?! Nayari na! Patay ako sa purple hair na 'to, lalo na't napa trouble siya dahil saakin.   "Hello, Red hair." Bati niya at ngumisi ng mala demonyo.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD