3rd Person Ilang linggo na rin ang lumipas simula nang pasukin nila Rexenne at Klyde ang mundo ng mga gangsters, iyon ang huling beses nilang pagkikita. Matapos ihatid ni Klyde si Rexenne sa apartment nito ay hindi na muli pang nagkita ang dalawa. Samantala mag-isang nasa bar ngayon si Klyde. Maingay ang buong paligid dahil sa music. Patay sindi rin ang mga ilaw sa paligid at mukhang nagpapakasaya ang lahat. Ang mga iba ay nagsasayaw sa dance floor ngunit si Klyde ay prenteng naka-upo lang sa bar counter at nasa harap niya ang dalawang empty glass ng tequila. May lumapit sakanyang isang babaeng naka sleeveless at short shorts. Mahaba ang buhok niya at kulot sa ilalim. Maganda siya at sexy. Just like his type. "Hey, babe. Are you alone?" nang-aakit nitong tanong sakanya. Tumingin siya

