Nagising ako dahil sa tama ng sikat ng araw sa mga mata ko. Pinilit kong idilat ang mga mata ko kahit na nahihirapan ako. Tinignan ko ang paligid. Ah, oo nga pala at nandito ako sa unit ni Klyde. Tinignan ko naman siya na mahimbing na natutulog. As usual, topless nanaman. Aminin mo, namiss mong masilayan ang yummy niyang katawan tuwing umaga. Tukso ng malanding parte ng utak ko. Gumagana nanaman ang malanding parte ng utak ko e, paano kasi ay kasama ko nanaman si Klyde. Lumipat naman ang tingin ko sa mukha niya. Lalong na emphasize ang tangos ng ilong niya dahil nakadapa siya at naka side ang ulo niya. Ang haba ng mga pilik mata niya, mayroon rin siyang pinkish lips. Tss, sobrang dami na siguro ang nakahalik doon. Bigla namang nag-init ang mga pisngi ko nang mag flashback sa utak ko n

