Dalawang araw na ang nakalipas simula nang dumating ang mommy ni Klyde dito. Palagi niya akong tinuturuang magluto at madalas rin kaming magkwentuhan. Hindi na rin ako masyadong inaasar ni Klyde dahil kapag inasar niya ako ay pagtutulungan namin siya ng mommy niya. Ang saya niyang kasama. Para tuloy akong nagkaroon ulit ng mama, sana siya na lang ang mama ko. She's so kind and supportive.Hindi siya yung tipo ng parent na strict. Nakakabilib siya kung paano niya ihandle ang pagiging isang nanay. Parang lahat ng bagay napakagaan sakanya. She's so positive. Nakaka good vibes, siguro sakanya namana ni Klyde ang pagiging hyper. "Saan mo dadalhin ang asawa ko mom?" tanong ni Klyde na mukhang bihis na bihis din. "Mag bo-bonding kami." sagot niya. Ngumiti lang si Klyde na parang bang masaya si

