3rd Person’s PAGDATING nila Rexenne sa unit ni Klyde ay kaagad niyang inilapag yung box ng KK sa center table sa sala. “Uy pahingi!” sabi ni Klyde at akmang bubuksan yung box pero pinalo ni Rexenne ang kamay niya. “Kay mommy mo yan!” suway nito sakanya. Napanguso naman si Klyde. “Bakit siya meron, ako wala?” kunwari’y nagtatampo pa ito. “Wala kang pake!” masungit nitong sabi. “Ang sungit mo! Halikan kita diyan e!” pagbabanta nito. Awtomatiko namang namula siya Rexenne nang biglang rumehistro sa utak niya yung paghalik na ginawa ni Klyde sakanya. Iyon ang pangalawang beses na hinalikan siya nito. Pinagmasdan ni Klyde si Rexenne at napansin niyang namumula ito. Napangisi siya. “Uy namumula siya!” asar niya dito at nilapitan siya. “H-hindi ‘no! Pwede ba!” pag de-deny nito. Sinundot pa

