“Don’t worry magkakaroon ka na.” Pakiramdam ni Rexenne ang lahat ng dugo niya sa katawan ay umakyat papunta sa mukha niya. “A-ano bang pinagsasabi mo diyan! Sinasabi ko sayo, wala akong panahon sa mga ganyan.” aniya at nag-iwas ng tingin kay Klyde. “Haay. Ibang klase ka talaga.” iling-iling na sabi ni Klyde at ginulo ang buhok nito. Bigla namang lumukso ang puso ni Rexenne sa ginawa ni Klyde. Napakalakas talaga ng epekto ni Klyde sakanya. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya. “Umuwi na nga tayo.” nag-aya na lamang siyang umuwi dahil baka kapag magtagal pa sila doon ay baka magkaroon na siya ng heart attack dahil sa ‘charms’ na sinasabi ni Klyde. * One week’s over, bumalik na ulit siya sa kanyang apartment dalawang araw na ang nakakaraan. Iniwasan ni Rexenne si Klyde matapos

