Nagising ako bigla dahil narinig kong tumunog ang phone ko, kinapa ko iyon sa ibabaw ng drawer at tinignan ko kung sino yung nag text. Fr: Cholo Rexenne, kamusta na? Okay lang ba diyan? Sinasaktan ka ba niya? Napangiti ako sa text ni Cholo, ito talagang lalaking 'to. 6:00am pa lang nanggugulo na. Nag type ako sa phone ko para replyan ko siya. To: Cholo Ayos lang ako dito, pero namimiss ko kayo nila nanay. Hindi niya ako sinasaktan. Subukan niya lang at babayagan ko siya. :D Reply ko and i giggled. "Mmm.." Ungol ng katabi ko at bahagyang gumalaw pero mahimbing pa rin ang tulog. 12:00 am na kami nakatulog dahil sa paggawa ng kwento, palagi kasi kaming hindi magkasundo. Pinagmadan ko siya habang natutulog, tihaya siya at nakaharap banda dito. Wala nanaman siyang suot na T-shirt, talag

