Chapter 6

1428 Words

Nandito kami ngayon sa unit ni Klyde, so one week pala akong titira dito? Ayos lang. Magara naman dito e at hindi rin ako magugutom.Pero mamimiss ko si Cholo, si nanay at tatay. "Hoy Klyde, saan yung magiging kwarto ko?" tanong ko kay Klyde. "sa kwarto ko," pormal niyang sagot. Nanlaki naman ang mga mata ko. "SA KWARTO MO?!" gulat kong tanong. Tinignan niya ako. "May mag-asawa bang hiawalay ang kwarto?" sarcastic niyang tanong. "Tsaka nagtabi na rin naman tayo kagabi at isa pa babayaran naman kita kaya huwag kang mag reklamo diyan." sabi niya at nagtungo na sa kusina. Inirapan ko siya habang nakatalikod. Nakakainis! "HOY PAPASOK NA AKO SA KWARTO MO HA? MALILIGO LANG AKO!" sigaw ko dahil nasa sala ako at nasa kusina siya. "Sige lang, gawin mo kung ano gusto mo!" dinig kong sabi niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD