Napangiti ako habang nakatitig kina Klyde at doon sa mga bata, kakatapos lang nilang maligo at noong dumating yung delivery pinakain sila ni Klyde. Mabait naman pala siya, hindi lahat ng playboy ay masama. "Rexenne," sa sobrang tulala ko hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala ang ate niya. "Ay sorry," hingi ko ng paumanhin. Natawa siya. "Nakatingin ka kay Klyde tapos ngiti-ngiti ka," nang-aasar niyang sabi. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. "Yiee, crush mo na siya ano?" Asar niya. "Hindi po no! Never!" Mabilis kong sagot. Totoo naman ano, never akong magka crush sa Klyde na to. "Okay sige, sige na hindi mo na siya crush. Pero pwede huwag ka na mag 'po'? Nakakabawas ng beauty e." Sabi niya. Natawa naman ako. Magkapatid nga sila. "Okay sige," nakangiti kong sabi. "Hindi ko

