Nandito ako ngayon sa apartment ko, one week na ang nakakaraan nang umalis ako sa unit ni Klyde. Nakakapanibago, wala ng nagluluto ng pagkain ko. Pero ayos na rin yun no, hindi ko na makikita ang pagmumukha niya. Tinignan ko yung phone ko, salamat sa kumag na yon. Grabe, mabait din naman pala siya. Pero na cu-curious talaga ako dun kay Steph e, ano kaya ang nangyari sakanila noon? Haay. Bahala na nga, dapat huwag na akong mag-isip ng maraming bagay tungkol kay Klyde. Sigurado ako na hindi ko na rin naman siya makikita e. Lumabas ako ng apartment ko para bumili ng pagkain, gutom nanaman ako e. Habang naglalakad ako nakasalubong ko si Cholo na may dalang plastic. "Oy Cholo!" Nakangiti kong tawag sakanya, tinignan niya lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Ano bang problema niya? Sinun

