bc

THE DON's LITTLE MONSTER (SSPG)

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
revenge
love-triangle
contract marriage
HE
opposites attract
friends to lovers
kickass heroine
mafia
heir/heiress
tragedy
kicking
mystery
small town
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

WARNING: RATED-SSPG | MATURE CONTENT | READ AT YOUR OWN RISK

-----

Nakatingin si Celandra Conti sa lalaking nasa harap niya, naka-straight body ito suot ang itim na polo habang walang emosyon yung mukha. Nasa club sila, kasama ang kanyang mga kaibigan.

“Girl, mukhang bantay sarado ka ng new bodyguard mo.” Pang-aasar ni Evaris Sanatore, isa sa kaibigan nito.

“Duh, hindi naman 'yan magtatagal. Baka bukas hindi ko na siya makita!” Mataray na sagot nito, bago nilagok ang natirang alak sa kanyang baso.

“What if pagtripan natin?” Nakataas naman ang kilay na sabi ni Talindra Covelli.

“Let's play a game, ano G ka ba Cela?” Dagdag na tanong niya kay Celandra, tanging tango naman ang sagot nito.

“Matapang ka 'di ba Cela, then kiss him. Kapag nagawa mo ang dare na ito, maging sunod-sunuran mo ako ng isang buwan.” Hamon niya sa kanyang kaibigan, napatingin silang lahat kay Celandra na seryosong nakatingin kay Talindra.

chap-preview
Free preview
MONSTER SIMULA
*3RD PERSON’s POV* — Halos magulantang ang lahat ng bisita sa bahay ni Don Lucchese, dahil sa isang pag sabog mula sa labas ng kanilang mansyon. “Boss, pinasok tayo ng mga tauhan ni Don Conti!” Hingal na balita ng isa sa kanyang mga tauhan. Humigpit ang pagkakuyom ng kanyang palad. “Conti, traydor ka!” Mariin niyang sabi bago niya hinila ang kanyang anak na nasa trese anyos pa lamang. “Marcellus, makinig ka! Kailangan mo ng umalis, iligtas mo ang iyong sarili. Kailangan mong mabuhay Marcellus!” Malamig at seryoso nitong sabi sa kanyang anak. “Balang araw maintindihan mo rin ang lahat. Ito ang tatandaan mo Marcellus, ang pamilya Conti at kung sinong kasamahan niya huwag kang magtitiwala sa kanila gaya ng ibinigay kung tiwala. Si Isolde na ang bahala sayo!” Dagdag pa nitong sabi, bago tumingin sa dalagang pinagkakatiwalaan niya. Tumango si Isodel bago hinila ang batang Marcellus. “Papa, mag-ingat ka.” Kalmadong sabi nito sa kanyang ama. Kahit natatakot ito ay pinapanatili niya ang pagiging kalmado dahil ayaw niyang maging mahina sa harap ng kanyang ama. Dalawang magkasunod na pag sabog muli ang narinig mula sa labas. Marami na rin nasawing tauhan ni Don Lucchese. “Umalis na kayo Isodel!” Mariing utos nito bago inilabas ang b4ril mula sa tagiliran niya. “Tara na, young master!” Tawag nito bago hinila si Marcellus. Bago sila tuluyang makalabas ng mansyon, kitang kita niya kung paano makipagb4rilan ang kanyang ama. Kung paano siya protektahan sa traydor nitong kaibigan. “Papa!!” Malakas niyang sigaw nang makitang tinamaan ito sa tagiliran. Pero patuloy pa rin lumalaban. Sunod-sunod na binaril si Don Lucchese, bago pa ito tuluyang bumagsak, Tinakpan ni Isodel ang mata ng bata gamit yung palad nito. "Hindi mo dapat nakikita ang ganyang bagay, kailangan na nating umalis young master." Malamig at seryoso nitong sabi habang nakatingin sa nakahandusay na katawan ni Don Lucchese. "Sakay na Isodel!" Sigaw ni Falcon, ang kanang kamay ng Don. Agad na kumilos ang dalaga, halos itulak niya papasok sa loob ng sasakyan si Marcellus. Nang makasakay na sila'y pinaharurot na ni Falcon ang sasakyan paalis sa lugar. Nanatiling tahimik at nakayoko si Marcellus, maraming katanungan sa kanyang isipan bakit nangyayari ang kaguluhan ito. "Young master, magpakatatag ka nandito kami ni Isodel walang mangyayaring masama sayo." Seryosong sabi ni Falcon nang mapansin niya ang pagiging tahimik ng bata. "Anong nangyayari, Falcon? Bakit nila pinatay si papa, anong naging kasalanan namin sa Conti? Akala ko ba kaibigan sila, pero bakit balak nila tayong ubusin?" Sunod-sunod na tanong ni Marcellus sa kanya, nagkatinginan ang dalawa. "Young master, maiintindihan mo rin ito sa tamang panahon. Sa ngayon, kailangan mong magpalakas at magtago muna dahil siguradong hindi titigil si Don Conti hangga't buhay ka. Ipapaliwanag ko sayo balang araw. Tandaan mo ang sinabi ng iyong ama, huwag kang magtitiwala. Wala kang ibang pagkakatiwalaan kundi ang iyong sarili, dahil sa mundong ginagalawan natin ay walang dapat pagkatiwalaan, lahat sila kalaban!" Mahabang paliwanag ni Isodel, isang tango lang ang isinagot ng batang Marcellus bago tuluyang tumingin sa labas. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng taong pinagkakatiwalaan ng kanyang ama. Basta ang nasa isip lang niya'y maghiganti, pabagsakin ang pamilyang pumatay sa kanyang ama. "Tayven Conti, balang araw magkikita ulit tayong dalawa. Babawiin ko kung anong kinuha mo sa amin!!" Mariin niyang sabi sa kanyang isipan. ~ITUTULOY

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
2.0M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
760.2K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.9M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
990.9K
bc

A Warrior's Second Chance

read
366.3K
bc

Not just, the Beta

read
351.8K
bc

The Broken Wolf

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook