YELENA P.O.V Pagdating namin ni Abigail sa hotel, halos hindi ako makapaniwala sa ganda ng lugar. Nasa 67th floor kami, at mula sa glass balcony ng restaurant, kitang-kita ang buong siyudad. Para kaming nasa tuktok ng mundo, surrounded by thousands of twinkling lights coming from the buildings, cars, and streetlamps below. Parang isang malaking constellation ng mga bituin ang buong siyudad ng New York sa gabi. "Ang ganda ng view, 'di ba?" tanong ni Abigail habang nakatingin sa akin, may ngiti sa kanyang mukha. "Oo nga, Abi. Parang surreal," sagot ko, hindi pa rin makapaniwala na nandito kami, kasama ko ang matalik kong kaibigan sa gitna ng isang malaking siyudad. "Parang ibang mundo." Tumingin ako sa paligid. Ang mga skyscrapers ay tila nagmumukhang mga ilaw na bumabalot sa amin. Ang m

