YELENA P.O.V Nandito na ako sa airport, malapit na sa boarding gate. Hawak-hawak ko ang passport at plane ticket ko, habang kinakabahan at nai-excite sa parehong pagkakataon. Nasa tabi ko si Abigail, masaya siyang nakangiti habang hawak ang coffee cup na binili niya kanina. “Excited ka na ba?” tanong niya sa akin. “Medyo kinakabahan, pero oo, excited din,” sagot ko habang pinipilit ang sarili kong ngumiti. Ang bigat ng pakiramdam ko kasi iniisip ko ang iiwan kong pamilya dito sa Eldraesia. Pero alam kong kailangan kong gawin ito—para sa sarili ko, para sa mga pangarap ko. “Don’t worry,” sabi ni Abigail, tapik pa siya sa balikat ko. “You’re making the right decision, Yelena. This is your time.” Tumango lang ako at tinignan ang cellphone ko. May ilang minuto pa bago mag-board, kaya naisi

