YELENA P.O.V Dalawang linggo na akong nakakulong sa loob ng bahay. Pakiramdam ko, bumagal ang oras, at parang hindi na ako makabalik sa normal na buhay. Hindi ko na rin nakita si Vlad mula nang huling beses kaming nag-usap. Siguro, kasama niya ang asawa niya ngayon. Wala na akong paki. Sa totoo lang, iniisip ko pa rin kung paano ako naging tanga sa buong sitwasyon. Pero kasabay ng mga alaala, sinubukan kong pilit na kalimutan lahat. Nang umagang iyon, habang nakaupo ako sa sala at nakatingin lang sa labas ng bintana, biglang kumatok si Mama. “Yelena, may bisita ka,” sabi niya na may konting ngiti. Medyo nagtataka ako kasi wala naman akong inaasahan na bisita, pero tumayo pa rin ako para tingnan kung sino. Pagbukas ng pinto, laking gulat ko nang makita si Abigail. “Abigail?” gulat na tan

