YELENA P.O.V Pumasok ako sa office ni Vlad na may kaba sa dibdib. Alam ko na kailangan ko na siyang kausapin tungkol sa mga narinig ko. Hindi ko na kayang magpanggap na wala akong nalalaman. Kailangan ko ng linaw, ng sagot—mula mismo sa kanya. Nakita ko siyang nakaupo sa desk niya, abala sa mga papeles na nasa harap niya. Ni hindi man lang siya tumingala o tumingin sa akin kahit narinig kong bumukas ang pinto at pumasok ako. Parang ang bigat ng hangin sa loob ng office, at nararamdaman ko na agad ang lamig ng pakikitungo niya sa akin. Pero hindi ako pwedeng umatras. Kailangan kong marinig ang totoo. “Mayor,” marahan kong simula, pilit na pinapalambot ang boses ko, umaasa na kahit papaano ay mas magiging bukas siya sa akin. “Totoo ba? Totoo bang may asawa ka na?” Tumigil siya sa pagsusu

