YELENA P.O.V Minsan hindi ko maiwasang pag-isipan kung saan ako nagkamali. Matagal-tagal na rin mula nang bumalik kami mula sa Manila, pero pakiramdam ko, parang may nabago kay Vlad. Dati, sobrang lambing niya sa akin. Lagi niya akong kasama, lagi niya akong tinititigan na para bang ako lang ang mahalaga sa mundo niya. Pero ngayon, iba na. Lumalamig siya. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdam ng ganito, pero nasasaktan ako tuwing kakausapin ko siya at iiwas lang siya o kaya naman, parang wala lang. He treats me like his assistant. Nothing more. Hindi na katulad ng dati. Yung mga halik at yakap, wala na. Yung mga moment na para bang ako lang ang babae sa mundo niya, unti-unting nawala. Nandiyan ako kapag kailangan niya ng tulong. Pag may papeles na kailangang pirmahan, pag may

