YELENA P.O.V Hindi ako makapaniwala nang sinabi sa akin ni Vlad na kailangan naming pumunta sa Manila para asikasuhin ang isang mahalagang negosyo. Ito raw ay parte ng kanyang tungkulin bilang mayor, at gusto niyang sumama ako. Hindi ko alam kung paano magre-react. First time kong pupunta sa Manila, at sa totoo lang, kinikilig ako sa ideya na magkasama kami ni Vlad sa isang lugar na malayo sa Eldraesia. Nang sumakay kami sa private car papunta sa airport, parang hindi pa rin ako makapaniwala. Tahimik ako sa gilid, pinagmamasdan ang mga daan na unti-unting nilalayuan ng sasakyan. Si Vlad naman ay abala sa cellphone niya, marahil ay nagche-check ng mga dokumento o di kaya’y sumasagot sa mga mensahe. Pero kahit ganoon, ramdam ko pa rin ang atensyon niya sa akin. Bawat saglit na may pagkakat

