YELENA P.O.V Nasa studio ako, nakatapat sa malaking canvas, hawak ang paintbrush habang dahan-dahang gumuguhit ng bulaklak. Hindi ko namalayan na halos isang oras na pala akong nagpipinta ng isang maliwanag na rosas—kulay pink, simbolo ng kaligayahan. Pero bakit nga ba ito ang napili kong kulay? Matagal na akong hindi nakararamdam ng saya, hindi buo, hindi totoo. Biglang bumalik sa akin ang imahe ni Serg, ang lalaking bigla na lang dumating sa buhay ko, at ngayon, tila hindi na ako tinatantanan ng mga alaala niya. Napapansin kong laging nagtatagpo ang mga landas namin—minsan sa gallery, minsan sa kapehan sa kanto, at kahit sa mga ordinaryong lugar dito sa New York. Hindi ko maintindihan, pero parang may plano ang tadhana. Bakit kaya lagi ko siyang nakikita? Naramdaman ko ang isang mati

