ABIGAIL P.O.V Ang araw ko ay punong-puno ng mga meeting at mga deadlines. Ito na yata ang naging normal sa akin—lagi akong abala. Nakaupo ako ngayon sa isang maluwang na conference room, nakaharap sa dalawa kong kliyente, parehong nasa high-end fashion industry. Ako si Abigail, isang successful business owner dito sa New York. Kilala na ako sa larangang ito, pero alam ko, ang tagumpay na ito ay bunga ng walang sawang pagtatrabaho at dedikasyon. Habang hinihintay ko silang magsimula, nilibot ng mga mata ko ang paligid ng meeting room. Malaki at elegante, may mga malalaking glass windows na tanaw ang buong lungsod. Sa labas, kitang-kita ang busy na buhay ng New York—mga taxi, tao, at napakaraming negosyo. Pero dito sa loob, tahimik at organisado ang lahat. Nakaayos na ang mga papel sa mesa

