Chapter 10
Vagene POV
Nakasuot ako ng P.E uniform at may nakasukbit na pito sa aking leeg nang humarap ako sa tatlong nakalunok ng ostrich.
Sa kaliwa ay Bianca ang babaeng malaki ang boobs pero wala namang pwet, sunod niya ay si Dhensita ang baklitang malarainbow ang attire. Oh diba ang gaga magtetrain nakasuot ng rainbow colored na gown habang nakasuot ng Colorful na wig at yung huli ay si Natasha yung babaeng kabaliktaran ni Bianca. Kung makablack attire na fit ang gaga na malacatwoman parang walang bilbil.
Ipinito ko ng tatlong beses ang pito at nagsalita.
"Attention! Attention! Attention! Itetrain ko kayo dito sa arena ng isang araw. After nun ay magpaplano na tayo kung ano yung ating gagawin o dapat gawin" sigaw ko sa kanila
"Ngayong umaga, ay ang oras kung saan magtetrain kayo ng individual. Lahat kayo ay mag eensayo ng sabay sa loob ng 4 na oras. May sampung traning section tayo, kung saan dito ay ang mga maaaring gawin sa inyo ng Napkin gurl na iyon."
"Sampu talaga? My god! Stress talaga boobs ko nito." Reklamo ni Bianca sabay hawak sa kanyang dede na at binalanse ito ng makita niyang medyo tumabingi.
"Oo nga! Pedeng tawad? Lima na lang oh. Masisira talaga gown ko nito."
"Eih gaga ka palang bayowt ka, alam mo namang treyneng eto tapos nakagawn kang bayot ka." ani Natasha at naparolled eyes kay Bakla "Sege na Vagene etoloy mona." Utos nito.
Napa rolled eyes narin ako sa kanila. Bakit sila pa nakalunok ng itlog ng ostrich? Mga walang kwenta. Walang utak. Walang pinag-aralan.
"So anyway, pagsapit ng hapon ay ihaharap kayo sa isang test kung saan makakaharap niyo ang Virtual Napkin girl. Kailangan matalo niyo ito. Lahat ng sakit ay mararanasan niyo dito sa test na ito." Pag iinstruct ko sa kanila. "At kung mamalasin kayo, pede kayong mamatay."
Agad silang nagulat sa sinambit niya. Sa totoo naman eh walang katotohanan iyon.
"Marami pa akong churva-churva sa life." biglang sambit ni Dhensita.
"May tanong pa ba kayo?" Tanong ko.
Bigla namang tumaas ng kamay si Natasha. Tumango naman ako sa kanya bilang tugon
"Mess V. Marame bang pagkaen doon?"
"Anong maraming pagkain? Training pupuntahan mo doon, hindi fiesta. Babaeng toh, pagkain ang iniisip tingnan mo nga taba mo?" tumingin ako sa tyan niya. "Naghuhurma na sa fitted na damit mo na mala catwoman" sabi ko
"Sino pa yung may tanong? Yung serious. Yung hindi commonsense ang sagot?" Tanong ko ulit sa kanila, ng wala nang nagsalita ay tinapos ko na ang usapan.
"Then magkita nalang tayo sa arena in three minutes and fifty four seconds." ang huli kong nabanggit bago ako umalis.
Naglalakad ako sa hallway papuntang arena. Yung feeling na haggard na haggard ka habang naglalakad. Bakit ba sa kay raming magte-train sa kanila eih ako pa? Bakit sa kay rami-raming pedeng makalunok ng itlog ng ostrich, sila pa talagang mga baliw at tanga.
So stress day is this. Char. Ume-english na ako dito. Sa wrong grammar wala akong pake. English parin yan, walang pinagkaiba.
Nandito na ako sa harapan ng arena. Hawak ko na ang pihitan at bubuksan ko na sana ang pinto ng isang umaalingawngaw na boses ang narinig ko. Well siguro naman ay alam niyo na kung sino iyon.
"VAGENEEEE!!!!!" Mala-ambulansyang tili ni madam
Ano ba naman itong si madam, parang pinaglihi sa ambulansya at fire truck! Ang hilig hilig talagang sumigaw. Daig pa talaga ang kulog kapag kumikidlat.
"VAGENEEEE!!" Sigaw ulit nito.
"YESSS MADAM. ITO NA PO MADAM!!" Haggard na sagot ko, at tumakbo ako papunta sa kwarto niya.
Pagod na pagod akong tumigil sa harap ng pinto ni Madam. Grabe paborito talaga ni madam ang pasikut-sikot na daan. Alam niyo pag diretso lang itong daan na ito hindi ka talaga aabutan ng isang minuto. Pero si madam kasi gusto niya maraming liko. Nakakadagdag sa haggard na feeling ko.
Nang binuksan ko ang pinto ay agad sumalubong sakin ang nag-aalburotong mukha ni madam.
"B-bakit po madam?" Tanong ko sa kanya
"BA'T ANG TAGAL MO?! KANINA PA KAYA AKO NAGHIHINTAY! ALAM MO NAMANG AYAW KONG PINAGHIHINTAY EIH!!" Sigaw nito sa akin.
"Eh madam naman. Nakakastress kaya ang pasikot-sikot na daan. Madam pede namang gawin diretso ang daan eih pinapaliko mo pa." Reklamo ko.
"SUMASAGOT KA PANG BABAE KA. AKO YUNG MADAM MO RITO KAYA WAG NA WAG MO AKONG PAGSASALITAAN, ASSISTANT LANG KITA!"
Napayuko ako at itinikom ang bibig. Dahil pag nagreklamo pa ako sigurado. Isang nakakabinging sigaw naman ang gagawin niya. Hindi naman niya ako mapapatalsik kasi pag-ginawa niya iyon wala na siyang makukuhang assistant. Oh diba ang talino ko talaga.
"OH ANO? BAKIT HINDI KA SUMASAGOT?" Tanong ko. Pero hindi ko parin sinagot kasi diba? Sabi nya sumasagot pa raw ako sa kanya. Kaya zip mouth nalang ako.
"HOY SUMAGOT KA!" Sigaw nito
"Eih madam kanina sabi mo ayaw mong sinasagot kita. Ngayon namang hindi kita sinagot, nagalit ka! Ano ba talaga madam? Im so contius!" Pag-english ko.
"ANONG CONTIUS? GAGA CONFUSE IYON! BOBONG TOH. MAG-EENGLISH HINDI NAMAN PALA ALAM." Pag-correction niya. "SO ANO NANG PINAPAGAWA MO SA TATLONG NAKALUNOK NG ITLOG NG OSTRICH? NATRAIN MO NA BA SILA?"
"Oo madam! Sa katunayan nga mag-uumpisa na ang training namin ngayon. Eih kaso nadistorbo dahil sayo!"
"SO AKO PA TALAGA ANG MAY KASALANAN? ASSISTANT LANG KITA." Sabi nito "SO ANYWAY MALAPIT NA ANG PINK MOON AT BILANG NA ANG ARAW NG NAPKIN GURL NA IYON. MAISAKATUPARAN NA NATIN ANG PLANO AT TAYO ANG MANANALO."
"Pano ka nakakasigurado madam?"
"Basta sure ako. Sure na sure akong mananalo tayo. Feel ko talaga iyon." Mahinang sabi nito na parang sigurado na mananalo talaga. Atsaka diba? For the first time naging mahina ang salita ni madam.
"Wow madam ha? First time na hindi ka sumigaw."
"EIH ANO BA ANG PAKIALAM MO? HININAAN KO NGA YUNG BOSES KO KASI ANG SAKIT NA SA NGALANGALA." Anito.
"Eih ano bang pumasok sa isip mo na sumigaw ka ng sumigaw ja?"
"TUMAHIMIK KA NGA. ASSISTANT LANG KITA." sabi nito "UMALIS KA NA. NAKAKABWISIT NA MUKHA MO.. SHUUUUUUU ALISS!"
"So ayun lang pala ang dahilan ng pagsisigawan mo?"
"Aba't." itinaas nito ang statue sa gilid niya kaya sumaludo na ako at umalis. Mabuti na iyong pinaalis niya ako kasi nakakastress kasi rin itong kausap. Nang nakalabas na ako sa pinto ay agad kong tinignan ang relo ko. At doon na ako nagulantang. Sigurado nagrereklamo na ang mga nakalunok ng ostrich. Knowing them mas matalim at matabil pa dila nila kesa sakin
Hinarap ko ang nag-iisang daan papuntang arena. Isang nakakahaggard na takbuhan na naman ang aking gagawin
To be continued...