Chapter 12

1545 Words
Chapter 12 Putitay's POV Naglalakad ako pauwi galing sa pinagtrabahuhan kong laundry. Maaga pa akong nakauwi dahil sa sinabihan na naman ako ni Boss na umaapoy. In english "Your Fired". Di naman ako sumayaw sa laundry shop ah. Katulad nung ginawa ko sa bar. Pero ba't sinabihan niya akong umaapoy. Tanong ko lang mga friend. Hot rin ba ako maglaba? Heto ako ngayon di alam kung ano na ang gagawin. Saan na naman ako maghahanap ng trabaho? Kasi alam niyo mga friend na-experience ko na lahat ng trabaho dito. Naging Chef ako at sa sobrang sarap naisuka ng customer ko ang niluto kong hamburger na nasa gitna ang tinapay. Naging p****k din ako once pero pulis yung bumili sa akin kaya dinakip ang amo ko kasi menor de edad ang sinabi ko noon. Naging taga-gawa ng condom. Tagabenta ng titan gel online. Nagtulak din ako ng shabu. Tinulak ko lang naman ng isang kilometro. Basta marami pa ang ginawa ko sa buhay. Siguro kailangan ko nalang ipokus ang sarili ko sa pagiging super hero tutal tumigil naman din ang isa kong kapatid na kasunod ko na si Gabriel o mas kilala sa lugar namin na Master Bae....t. Tutal tumigil naman ang kapatid kong si Gab sa pag-aaral, eh siya naman yung pagtatrabahuhin ko. Ilang metro nalang ang layo ko sa bahay. Nakita ko si Gab na kapatid ko na iwinawagayway ang kamay. Ano ba naman yung ginagawa ng loko na ito. Parang tanga tignan. Iyon pala ay may bolang papunta sa ulo ko at tumama iyon. Agad akong natigil at napahawak sa batok ko. Tumingin ako sa kung saan nanggaking ang bola at doon nakita ko ang bata na nagsisihan pa sa ginawa. Tiningnan ko nalang sila ng masama at pinapatay sila sa paningin ko. Tumingin ulit ako kay Gabriel at ang loko tawa ng tawa sa nangyari. Tumakbo ako papunta sa kanya para habulin siya. Tumakbo din si Gab papasok sa bahay. Nang makarating ako doon ay agad ko naman siyang binatukan so very hard. "Anak tama na iyan. Mahiya nga kayo ang lalaki niyo na na para maghabulan pa." saway samin ni Pudra. Tumigil naman kami. Sarap ding sagutin si Pudra na "Hiyang hiya din ako tatay. Ang sipag niyo sa kama kahit matanda na kayo." pero wag nalang kasi baka batukan niya rin ako. Atsaka may respeto ako sa ama ko kaya di ko iyon magagawang sagutin. "Putitay... Gabriel... Punta kayo rito at may pag-uusapan tayo." mahinahong sabi ng aming ina. "Hanep. May family meeting na magaganap!" amaze na wika ni Gab. "Ano po yung pag-uusapan natin Nay? Family planning niyo ba?" Agad naman akong napangisi sa itinuran nito. Kaya close kami nito, maliban sa di naman malayo ang agwat ng edad namin at pati rin sa parehong takbo ng nga utak. Yun nga lang mas bobo siya kaysa sakin. "Tumigil ka nga Gabriel." sabi ni Pudra. Lumapit kami sa kanila at umupo sa harap nila. "Plano sana naming ipaapon muna ang iba niyong kapatid sa mga kapatid kong mga baog." sabi ng tatay namin at napatango si ina. "Atsaka para naman iyon sa kapakanan ng kapatid niyo. Kaya sana maintindihan niyo." Sasagot na sana ako ng bigla siyang nagsalita. "Pero anak. Wala tayong magagawa. Kung di natin iyon gagawin ay di talaga makakapag-aral ang kapatid niyo." "T---" may sasabihin sana si Gab pero nagsalita na naman si Pudra. " Intindihin niyo naman anak ang sitwasyon. Maawa naman kayo." "Sag---" sabi ko at pinutol na naman niya. "Mga anak please pumayag na kayo." "Tang kung tumigil ka na sana kakadada jan. May sasabihan iyong anak natin pero di makasagot dahil mag sasalita palang nagdrama ka agad." wika ni nanay kay tatay. Tumingin siya sa amin at nagsalita. "Sige anak sabihin niyo na." "Hay tay. Kung pinasagot mo na kami kanina pa di nahahaba pa sa ganito. Okay lang naman sa amin ni ate na ipaampon sila. Naiintindihan namin. Diba ate?" tumngin ito sa akin. "Syempre. Atsaka magbebenefit din naman kami sa pag-aapon na iyan kasi wala na din kaming babantayan." "Ganun lang?" tanong ni tatay. "Oo tay. Ayan nagsayang pa kasi kayo ng laway niyo." sabi ko at tumawa naman kami. Tinawag na namin ang mga kapatid namin at inexplain ang balak na pagpapaampon sa kanila. May umiyak pa pero sa huli naintindihan din nila na para naman iyon sa kanila. Dumating na ang araw ng pagpapa-ampon sa kanila. Kinuha ni Tiya Dionisia ang sunod ni Gab. Tapos kay Tito Madro naman ang sunod pa nito. Tapos yung isa naman ay napunta kay Tita Jennifer. Tapos kay Mang Gow naman na kapatid ni nanay yung dalawa. Isa-isa silang nagdatingan sa bahay at kinuha sila. Wala nang iyak-iyak kasi para naman iyon sa kanila. Nalulungkot din ako kasi nga first time na di ko sila makakatabi mamayang gabi. At siguradong mamimiss ko din sila. Bago sila umalis ay panay yakap nila at kiss sakin. Di sila umiyak pero napatulo nalang ng luha ang mga mata ko. "Ano ba naman itong si Ate. Siya pa nga ang nagiencourage sa amin na di umiyak pero siya naman pala umiyak." sambit ni Christie. "Iyakin si ate!" sabi ni Tonton ang pinakabata sa lahat. Anim na taong gulang na ito. At tinukso na siya ng mga kapatid niya. Ito talaga ang mamimiss ko sa kanila. Ang makipagtuksuhan at makipagtawanan. Napangiti ako at tumulo pa ng todo ang mga luha sa mata ko. "Hali nga kayo." lumapit sila at yinakap ko sila. "Mamimiss ko kayo." "Arte naman ni ate. Magkikita pa tayo. Bibisita kami rito pramis." sabi ni Jobert. At nagtawanan kaming lahat. Pumasok na ako sa bahay at doon saktong umilaw ang napkin ko mula sa bulsa ng panty ko. Apat na araw na ding di ko napapalita ang panty ko eh. Kinuha ko ito at inilabas. Pero imbes na bumulusok ito papunta sa loob ng panty ay may hologram na lumabas. Agad na may babaeng nakasplit sa hologram. Taray no? Alam ko ang hologram. Sino pang mahilig sa split? Siyempre kilala niyo na iyon. Di mo kilala? Tanga mo bes. "Meno? Hanggang hologram nakasplit ka?" pagrereklamo ko. Oo alam kong nagspi-split din ako pero siya kinagawian na niya. Wasak na wasak nabtalaga pechay nito kaloka. "Syempre naman putitay." tumayo siya sa pagkakasplit "Because this.. Is my signature pose." at ang gaga tumalon sa ere at nagsplit ulit. Diba tumayo tapos magspi-split lang ulit. Timang naman ito, pinapagod ang kaniyang sarili. "Ewan ko sayo Meno. Oh ba't may pahologram ka pa? Atsaka parang wala naman ito sa manual ah. " totoo naman kasi. Wala akong nabasang hologram sa naokin na iyon. "Yung manual mo kasi lower version ng napkin. In-upgrade ko na ang napkin na iyan bago ko ibinigay sayo. " "Taray! May pa-upgrade din pala itong nalalaman." "Yes. At pag dumating na ang panahoj na kailangan mo iyan ipasa. Papahintulutan kang mag-upgrade mg isang parte ng napkin." "Oh my gad. Ano kaya ang ipapa-upgrade ko pagdating ng panahong iyon?" sabi ko at napaisip din. "Sa susunod mo na iyan pag-isipan I want the napkin gurl to meet me. I want you to meet me and I will tell you something important." Napatigil ako. Nagreregister pa sa isip ko ang mga pinagsabi nito. Napahawak ako sa ilong ko at doon dumugo na ang ilong ko. Nagmumura ba si Meno? Di ko talaga maintindihan. At siyempre dahil sa nagets naman ni Meno ay tinagalog na niya ang mga pinagsasabi niya. "Alam mo. Halatang di ka nakapag-aral. Sadyang dukha ka nga sa pinakadukha." sabi nito at napatirik ng mata. "Ang sabi ko. Kailangan mong pumunta rito dahil may sasabihin ako. Trabaho mo iyan Putitay dahil ikaw si Napkin gurl. Kaya wag kang tatamad-tamad na pumunta rito." "Okay okay. As if naman may pagpipilian ako." "Good." ang huling kataga na sinambit nito bago namatay ang hologram. Napatirik din ako ng mata ko. Babalik na sana ako palabas ng bahay upang gumala nang pag ikot ko ay nakita kong nakatayo si Gab. Oh shemay. Narinig niya ba yung kanina? "Putitay." bigkas nito. "Oo alam kong maganda ako. Wag mo nang ulitin." aalis na sana ako pero pinigilan niya ako. "I-ikaw si Napkin Gurl?" di makapaniwalang sabi ni Gab. "Anong napkin gurl pinagsasabi mo? Timang ka ba?" pagtanggi ko. Oh my ghad. "Narinig kita Putitay kasama yung hologram na nakasplit. Putitay totoo ba?" Oh my gad ulit. Nakita nga niya ang nangyari. Anong sasabihin ko mga bes? Todo kabog na ang boobs ko. Nagpapanic na ang mga buto't kalamnan ko. Pinagpapawisan ako at pati na rin ang pechay ko. Wala na. Alam na niya at wala na akong magagawa kundi aminin ang totoo. "Oo na. Ako si Napkin Gurl. Pero please Gab. Wag na wag mo itong ipagsasabi sa mga tropa mo." "Bakit naman ate. Maipagmamalaki kita kasi may kapatid akong super hero." "Try mong ipagsabi para makita mo akong nakahiga sa morgue." pananakot ko sa kanya. "Okay Putitay. Pero paanong naging Super hero ka? Bakit sa kay raming vavaeng mahrangal sa pilipinas ikaw talaga ang pinili?" "Ano ba tingin mo sa akin? Di marangal? p********e?" sabi ko sa kanya. Di naman talaga ako naging p********e ah. Well muntikan lang naman. "Di naman sa ganun ate. So bakit nga?" "Ito kasi iyon." sabi ko at inexplain na isa-isa. To be continued...  ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD