Chapter 14

1622 Words
Chapter 14 "Gab. Pumayag ka na kasi. Ayaw mo ba nun? Magiging superhero kota at ang mas maganda, magkasama tayo. Ano pang problema dun?" pagpupumilit ko kay Gabriel na gawin siyang side kick. Alam niyo mga bes, kasalanan niyo ito eh. Sabi ko diba kanina na magdasal kayo. Hindi naman kasi kayo nagdasal. "Gusto kong maging superhero pero Putitay, ayaw ko pang mamatay ng walang nagawa sa buhay." pagdadahilan pa nito. "Kuya may magagawa ka kaya sa buhay. Iyon ay ang tumulong sa kapwa mo tao." "Alam ko Putitay. Sa katunayan nga gusto kong makatulong din sa ibang tao pero hindi yung isusugal ko ang buhay ko." "Pero atleast kuya. Matatawag kang bayani pag ganoon." "Bakit? Makakain ko ba ang kabayanihan pag patay na ako? Ah bahala ka Putitay. Kahit ano pang sabihin mo ay di ako sasali sa sidekick-sidekick na sinasabi mong iyan." "Gab naman kasi." sabi ko pa. "Kuya pag naging superhero ka marami kang makikilalang chix doon?" "Aanhin ko pa yang chix na iyan pag wala na ako.?" "Yayaman ka kuya pramis. Marami kang malilikom na pera pag naging superhero ka." sabi ko pa. Gagawin ko talaga ang lahat para lamang na sumang-ayon siya sakin. "Ewan ko sayo Putitay. Ngayon pa nga lang na superhero ka wala kang pera eh. Paano pag naging superhero ako? Bahala ka nga Putitay. Pag sinabing ayaw ko, ayaw ko." pagalit na nitong saad at lumabas ng bahay namin. Ewan ko kay Gab. Siya pa talaga ang umayaw na maging superhero. Pag sinabihan ko siguro yung iba ay papayag sila eh. Pero kailangan talaga na si Gab ang gawin kong sidekick kasi may tiwala ako sa kanila. Pagpinili ko ang ibang tao na di ko naman close ay baka sila pa ang maging dahilan ng pagkatalo ko sa huli. Kaya kailangan na talagang umoo ni Gab. Narinig kong nagwawala ang mga uod sa tiyan ko kaya dumiretso ako sa kusina upang tingnan kung may pagkain pang natira. Nang pagbukas ko ng kaldero ay bumulaga sa akin ang isang ipis na nangaling doon. Wala kasing laman yung kaldero kaya inipis. Kinuha ko yung pera kong itinago sa ilalim ng aking mga damit at lumabas. Kakain na lang ako sa karenderya dahil hindi ko talaga matitiis ang mga alaga ko na nagwawala sa aking tiyan. Kaunting lakarin lang naman ang ginawa ko at maya-maya ay nakarating din ako sa tapat ng karenderya ni Peppa na hindi baboy ang katawan. Payat si Peppa na lalong ipinagkataka ko dahil sa hindi talaga siya tumataba lalo na't nagluluto nga ito ng pagkain. Kung di ko nasasabi sa inyo, ang karenderya ni Peppa ang medyo sikat na karinderya dito sa baranggay Isawseena. Pumasok ako sa karindera ni Peppa at nakipagsingitan sa mahabang pila dito. Dagsa kasi ang bumibili ng ulam at kanin dito lalo na't pananghalian ngayon. Lahat ng mga nagtatrabaho sa konstraksyon ay dito kumakain. Maraming nagrereklamo sa likuran ko pero dedma lang ako. Wala akong pakialam sa mga reklamo lalo na't gutom na gutom na talaga ako. Ang imlortante ay makakain ako. Ayokong mamatay sa pila dahil sa gutom ano. Dinuguan, softdrinks at sampung pisong kanin ang binili ko sa kay Peppa. Akala ko nga ay tapos na ako sa pakikipagsiksikan doon. Iyon pala ay umoisa palang iyon. Wala kasi akong mahanap na upuan dito. Lahat kasi puno na talaga. Naglakad-lakad pa ako ng kaunti, umaasang may makikia pa akong upuan pero mga bes sobrang rami. May nakikita naman akong bakante pero pag-uupo ka na, sasabihing may nakaupo na raw. Kung hindi kaya ay reserve na daw. Di naman restaurant ito ah. Karinderya ito uy. Walang reserve reserve dito. Nangangalay din ang kamay kakabitbit ng tray na hawak ko. Self service kaya dito kasi nga karinderya ito. Walang waiter dito kasi nga karinderya. Uuwi nalang ako at dadalhin ko itong tray na ito sa bahay. Doon nalang ako kakain. Hindi ko na ito ibabalik ang pinggan na ito bilang ganti sa pag-ikot ko ng matagal kakahanap ng upuan. Lalabas na sana ako ng karinderya ng may sumitsit sa akin. Lumingon ako at nakita ko ang isang taong nagpatayo ng buhok sa pechay ko. Kilala niyo naman siguro iyon diba. "Hey babe. Halika. Umupo ka rito!" agad naman na kinilig ako to the bones sa pagtawag niyang babe sa akin. Akala ko joke lang iyon pero hindi pala. Meghad. Papakasalan niya ako mga bes. "Saan? Sa hita mo ba?" sagot ko naman. Tumawa ito bilang sagot kaya di ko alam kung oo ba iyon o hindi. "Loko ka talaga! Upo ka na." kinuha niya ang bag niya na nakalagay sa upuan na nasa harap niya. Nadismaya naman ako doon. Akala ko kasi sa kanya ako uupo para ma feel ko din kahit papaano ang cobra ni fafa. Umupo nalang ako sa harap nito at inilapag ang pagkaing dala ko. "So babe ba't wala ka na doon sa laundry? Kahapon kasi noong nagpalaba ako doon di kita nakita." Kinuha ko ang tissue na nakabalot sa kutsara at tinidor ko at sumubo muna bago sumagot. "Alam mo kasi Fa-- Raze sinabihan kasi nila akong 'your fired'. Hot ba ako para pagsabihan ng umaapoy?" humigop ako sa softdrinks. Napatawa ulit si Fafa Raze. Ang cute niya talaga pag tumatawa. Lumalabas yung brace niyang nagha-hi sa akin. "Loko ka talaga babe. Hindi iyon ang ibig sabihin. Ang ibig ng 'your fired' ay sinisante ka na. Tinatanggal sa trabaho. Ahahahaha." "Ay sayang dapat di ko nalang nalaman akala ko kasi sinasabihan nila akong hot." subo ulit. "Pero Raze. Hot ba ako sa paningin mo?" "Hot ka man o hindi, hindi iyon importante." sabi nito at ngumiti. "Oo ba iyon or hindi?" Sa halip na sumagot ay itinaas na niya ang kanyang kamay. "Manang Peppa paorder po." sigaw nito at ibinaba ang kanyang kamay. "Hala! Self service ito uy. Ba't parang restaurant tingin mo dito?" Sasagutin na niya sana ako pero dumating si Peppa. Kinuha nito ang order ni Fafa Raze at isinulat niya iyon sa dala niyang notebook na maliit. Grabe ang unfair naman ni Peppa. Yung iba haggard na ang mukha kakapila pero pag si Raze ang umorder parang waiter umasta. Siguro reserved seat din ito sa kanya kasi bago ako dumating dito ay nakalagay pa ang bag nito sa kinauupuan ko. "Ay yung special halo-halo pa pala. Bigyan mo din siya." sabi nito sabay turo sa akin. Hala. Yung specialty ni Peppa na sobrang mahal. At balak pa niya akong bigyan nito. "Uy Raze wag na. Ang mahal kaya nun. Di ko iyon mabibili." "Naku okay lang iyon. Libre ko na sa iyo iyon." "Salamat Raze." iyon nalang ang nasagot ko at tumango naman ito. Ipinagpatuloy ko ang pag kain ko. "So ano nang plano Putitay? Saan ka na magtatrabaho?" "Pinasok ako ni nanay sa bagong bukas na panaderya jan sa kanto. Ayaw ko man pero pinilit talaga ako ni nanay." "Ah! Yung panaderya sa harap ng pinagtutuluyan ko?" "Sa harap ng bahay mo?" sagot ko naman. "Oo di mo ba alam? Ay oo nga pala di mo pala alam ang bahay ko." Humaygad! Mabuti na lang pinasok ako ni nanay doon sa Panaderya. Makikita ko na si Fafa Raze araw-araw. Destiny ba tawag dun? Siya na ba si forever ko? "Hayaan mo bibili ako jan tuwing umaga." sabi pa nito. Sana makita ko si Raze kahit sa bintana niya ng nakahubad. Ipagpapanalangin ko talaga iyon. Dumating si Peppa dala ang mga inorder ni Fafa Raze. Kumain na din si Raze pero di pa namin ginalaw ang Halo-halo. Ba't ang guwapo din ni Raze kahit sa pagkain? Lahat nalang ng galaw niya ang guwapo parin niyang tignan. Sana ako nalang yung kutsara para matikman ko din ang labi at dila niya. "Bakit ka nakatingin sa mukha ko? May dumi ba?" tanong nito ng mapansin niya akong nakatingin sa guwapo niyang mukha. "Feeler naman nito. Nakatingin kaya ako doon sa labas." rason ko. Nang naubos ko na ang pagkain. Ay kinuha ko na ang halo-halo at kinain iyon. Pero agad akong napahawak sa ulo ko. "Brain freeze. Kaya mo yan!" sabi ni Fafa sa akin at bahagyang tumawa. Maya-maya pa ay nawala na ito. Inubos ko nalang ang halo-halo pero kinukuha ko ang lahat ng saging dito. "Bakit mo iyan kinukuha? Ayaw mo ba?" tumango ako bilang sagot. "Akin nalang iyan. Sayang kasi eh." Ibinigay ko ang mga saging sa kanya at kinain naman niya iyon. Suwerte naman ng saging natikman na din nila. Ako? Kailan ko din matitikman? Naubos ko din ito at balak ko na sanang tumayo. "Oh? Uuwi ka na?" "Oo eh. Salamat sa halo-halo ha. At pati narin sa pagpapaupo sa akin dito." "Ah okay. Walang anuman. Pero bago ka umalis pede ko bang hingin number mo?" "Four." sagot ko naman. "Hahaha hindi. Ang ibig kong sabihin yung number mo sa phone." "Yes!" sigaw ko at kumunot ang noo nito. "I will marry you?" "Huh?" tanging sagot nito sa akin. "Diba hihingin mo number ko tapos pag binigay ko gagawin mo akong textmate tapos liligawan mo ako. Gagawin mo akong girlfriend mo tapos yayayain mo akong pakasalan ka so Yes ang sagot ko." "Loko ka talaga. Hihingin ko kasi number mo para incase na bibili ako sa panaderya at kailangan na ipadeliver sa akin ay makokontak kita." sagot nito. Sayang naman. Akala ko gagawin niya akong textmate tapos liligawan tapos yayayain akong pakasalan siya. "Okay. 09--" "wait kunin ko lang ballpen ko." sabi nito at kinuha ang ballpen sa bulsa niya. "Okay na." dagdag pa nito ng makita na niya iyon. "09696965871" sabi ko at isinulat niya iyon sa kamay niya. "Ayan salamat babe. See you next time." "Okay Raze. Bye bye. Salamat ulit." kinaway ko ang kaliwang kamay ko. "Bye din Babe." sagot naman nito. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD