Chapter 15
Alas kuwatro pa lamang ay nandito na ako da panaderya at kakabukas pa lamang nito. Inilagay ko ang dala kong bag sa ibabaw ng mesa at isinuot ko ang hairnet ko para makstart na ako sa pagbebenta.
Marami-rami din ang bumili sa bagong bukas na panaderya dahil may papromo ito. Ang unang 500 na bibili sa panaderya namin ay makakakuha ng libreng halik at monay na tinapay sa akin. Pero syempre charat lang ang libreng halik kasi nakareserve lang ito kay Fafa Raze.
At speaking of Fafa Raze, nakita ko siya kani-kanina lang na lumabas ng kanyang tinutuluyan. Nakapang jogging attire ito at gwapo niyang tingnan dito. Di ko alam mga bes kung anong sekreto ni Fafa kung bakit ang guwapo niya sa lahat ng bagay. Kahit mangulangot nga siya ang guwapo sa paring tignan eh.
Siguro dahil iyon sa mahal ko siya. Kasi diba mga bes pag mahal mo ang isang tao wala kang makikitang mali sa lahat ng ginagawa niya. Pero sa kaso niya, wala akong makitang panget ni katiting sa kanya. Umubo man o dumighay ang guwapo niya paring tignan.
"Ang Guwapo mo!" biglang sambit ko na lamang sa aking sarili.
"Salamat!" agad naman akong nagulot ng biglang may sumagot. Agad akong napakurap at narealize ko na may customer pala ako sa aking harapan. At ang mas malala akala niya siya ang pinagsabihan ko. Ang chaka kaya ng face niya. Parang nakadapa sa batuhan at dumikit lahat ng bato sa kanyang mukha. Ang rami kasing pimples.
"Sorry ha, pero di ikaw ang pinagsasabihan ko ng iyon." prangkang wika ko sa kanya.
"So sino ang pinagsabihan mo? Eh tayong dalawa lang naman magkaharap dito."
"Dumaan kasi si crush sa isip ko kaya wag kang mag-assume na ikaw ang pinagsabihan ko." sagot ko at napairao ng mata.
"Akala ko pa naman ako yung sinabihan mong gwapo." dismayang sambit nito.
"Nag-assume ka kasi ng imposible. So anong bibilhin mo?"
"Dalawampung pisong pandesal nalang."
Yumuko ako at kumuha ng pandesal na nakadisplay. Inilagay ko iyon sa isang paper bag at ibinigay ko iyon sa kanya. Iniabot naman nito ang bayad at nilagay ko iyon sa arinola na pinaglalagyan ng benta namin.
Umalis na ito sa aking paningin dala ang tinapay na binili niya. Kasalanan niya naman kasi. Akala niya siya ang sinabihan kong guwapo. Kaya kayo mga besh wag kayong mag-assume ng sobra. Kasi sa huli kami pa ang may kasalanan at sasabohan pang paasa pero ang totoo kayo ang gumawa nun.
Naku. Nastress ng kaunti din ang bangs ng pechay ko.
Maya-maya pa ay nakita kong paparating si Fafa at papunta iyon sa akin. Pawisan na ito at gusto ko siyang dilaan from head to toe. Pero di naman ako ganoon ka dirty noh. Syempre char lang yun.
"Hi Raze!" pabebeng bati ko sa kanya.
"Hi din babe." sagot naman nito. Alam niyo mga bes. Kinikilig talaga ako sa tuwing sasabihin niya ang salitang babe sa akin. Alam ko naman na yun ang tawag niya sa akin at walang relasyon na namumuno sa amin pero kinikilig talaga ako.
"Anong bibilhin mo Raze? Pandesal ba? Monay? Hopia? o Ako?"
Napatawa naman ito sa tinuran ko. Akala niya joke lang iyon pero para sa akin Im serious.
"Napakafunny mo talaga Putitay. Hahaha!" napangiti nalang ako sa kanya. Ang cute niya talaga kahit tumatawa. Nang tumigil ito sa pagtawa ay bigla itong nagsalita. "Tatlong Hopia at sampung pisong pandesal yung akin Putitay."
"Okay sir." medyo pakitang gilas ko sa kanya.
Yumuko na ako upang kumuha ng order niya at inilagay sa paper bag din. Iniaabot ko iyon sa kanya at nag kunin niya iyon mula sa kamay ko ay nahawakan nito ang kamay ko. Pero alam niyo di niya iyon agad kinuha. Tumagal pa ang pagkakahawak niya ng ilang segundo.
Napatingin ako sa aming mga kamay at tumingin din sa kanyang mga mata. Nagtama ang aming mga mata na para bang nag-uusap. Humaygad! Parang teleserye lang ang mga pangyayari mga bes.
"Ay sorry ha." sabi nito nang binawi niya ang kanyang kamay. Inabit niya nalang ang bayad sa akin at agad na umalis.
Naiwan akong kinikilig to the bones dito. Alam niyo kasi mga bes. Jan nag-uumpisa ang relasyon sa tama ng mata. At kami nagkahawak pa ang mga kamay namin. Di ako maliligo mga bes. Never in my life. Gusto kong mapanatili forever ang marka ng pagkakahawak namin ni Fafa
-----
Alas singko na ng nakauwi ako sa bahay. Malas nga lang kasi nahugasan ko ang kamay ko. Natatae na kasi ako kanina kaya nabasa ko iyon ng wala sa oras. Pero okay lang naman kasi nga nakadikit na iyan forever sa aking utak.
Hay! Fafa Raze, kailan kaya magiging tayo.
Pagkadating ko sa bahay ay agad akong dumiretso sa kusina upang magluto ng uulamin namin. Mabuti na lang ay nakasaing na si Gab kaya ulam na lamang ang aking gagawin. Yes yan kami rito. Nakatoka ang mga gawaing bahay.
At speaking of Gab, nandito siya ngayon papalapit sa akin.
"Anong niluto mo Putitay?" tanong nito sa akin.
"Nilagang piniritong Itlog!" proud na sagot ko.
"Huh? Di pa ako nakarinig ng Nilagang piniritong itlog ah."
"Di ka pa nakarinig nun? Kung sabagay tambay lang kasi trabaho mo kaya di ka nakakaexplore ng mga lutuin."
"Hala. Naghahanap kaya ako ng trabaho." depensa naman nito.
"Naghahanap daw. Ni hindi nga kita nakitang nag-iikot dito sa barangay natin eh."
"So paano yan lutuin ate?" pag-iiba ng topic ni Gab. Gagong to. Ang galing takasan ang isang usapan lalo na pag siya ang pinag-uusapan.
"Inilaga ko muna ang itlog agmt nang maluto na ay pinirito ko ito."
"Ganoon lang? Sino nagturo sayo nyan?"
"Oo ganoon lang kasimple. At walang nagturo sa akin nito kasi sarili ko itong imbensyon." sabi ko.
Inilagay ko na ang Nilagang piniritong itlog ko sa bowl at inilapag sa mesa. Kumuha ako ng kanin at mga pinggan at nilagay ko din ito sa mesa upang makapagsimula na kaming kumain. Wala pa kasi si Mudra at Pudra kaya mauuna na muna kaming kumain kasi nagrereklamo na ang alaga ko.
Umupo na ako sa upuan at tumabi din sa akin si Gab. Siya muna ang unang sumandok ng kanin bago ako.
Sumubo ako ng kanin na may ulam at nginuya ko iyon. Nilunok ko at nagsalita.
"So Gab? Alam mo kasi pag nahihirapan kang maghanap ng trabaho may alam akong pede mong pasukan."
"Ano namang trabaho iyon?"
"Maging sidekick ko." sagot ko. Agad siyang humarap sa akin ng may naiiritang expresyon.
"Putitay napag-usapan na natin iyan. Ayokong maging isang sidekick period."
"Pero kuya---"
"Period! Period! Period!" sabi nito at ipinagpatuloy ang kanyang kinakain.
Tumahimik na ako at di na ako nagsalita. Baka kung ano pa ang gawin ni Gab pag kimulit ko pa siya. Alam ko kasing galit na iyo at malapit na ako sa red line niya. Kaya paglumagpas ako dun. Baka di niya ako makilalang kapatid.
Arte naman kasi nitong si Gab. Ayaw pa ba niyang maging isang superhero. Rami kayang advantages ang pagiging superhero. Una magkakaroon ka ng magandang pagmumukha. Ikalawa may superpowers ka. At ikatlo sisikat ka. Lalabas ka sa tv, maririnig mo pa ang pangalan mo sa radyo at mababasa mo iyon sa mga dyaryo at social media.
Balak ko pa nga sanang gumawa ng f*******: account para magkaroon ng maraming friends and followers pero bawal daw kasi pasikat ang dating nun. At isa pa wala akong cellphone para magkaroon ng f*******:. Di ka naman makakapag piso net kasi nga kulang pa ang pera mo sa pagkain niyo.
Natapos ko na rin ang pagkain ko nang biglang may parang kung anong malaking ibon ang lumanding sa bubong namin.
"Kayong mga bata kayo kung wala kayong magawa magsi-uwi na lamang kayo kaysa mamato ng bubong ng bahay namin." sigaw ko at lumabas ako ng bahay uoang makita kung sinong mga punyetang bata ang namato ng bubong namin.
Pagkalabas ko ay wala akong nakita mga bata sa labas. Baka tumakbo na siguro. Nang biglang may isang grey na halimaw ang tumambad sa aking harapan mula sa bubong namin. Para itong tubig na malapot na kulay grey na medyo brown at nag-anyong isang di maintindihang halimaw. Medyo malangsa ang amoy ng halimae na ito. Doon ko lang napagtanto na isang STD monster pala iyon.
"Gabriel magtago ka!" sigaw ko kay Gabriel habang humahangos na pumasok sa bahay namin.
"Bakit Putitay?" nagtatakang tanong nito.
"Basta. Magtago ka." sagot ko. Agad akong dumiretso sa kwarto at sinirado ang mga bintana namin. Kinuha ko ang magic at agad akong nagtransform.
Imbes na magtago si Gab ay sumunod talaga ito sa akin. Nang iba na ang anyo ko ay agad ako lumabas ng bahay namin upang harapin ang halimaw na iyon.
Narinig ko ang pagsisigawan ng mga tao sa labas.
"Oh my god!" rinig kong sambit ni Gab sa tabi ko.
"Diba sabi ko sayo na magtago ka."
Pero bago niya ako sagutin ay nagulat ako ng bigla akong hawakan ng halimaw at itinaas sa ere. Ganoon din ang pag piglas ko pero hindi parin niya ako binibitawan.
"Bitawan mo ako! Ang baho baho mong gaga ka." pero imbes na sagutin ako ay sinukuhan niya ako ng mas mabaho pang likido.
"Ate!" rinig kong sigaw ni Gab sa akin.
"Gabriel! Tumakbo ka na. Ako na bahala rito."
"Hindi tutulungan kita." kumuha ito ng isang malaking bato at itinapon iyon sa halimaw. Pero parang wala lamang naramdaman ang hakimaw na iyon. Kinain lamang ng katawan nito ang batong itinapon ni Gab sa kanya.
"Sinabing tumakbo ka na. " agad naman itong tumakbo sa loob ng bahay namin. Akala ko tumakbo na siya pero hindi pala. Dumating siya maya-maya na may dalang water gun ng kapatid ko.
"Anong gagawin mo? Babarilin mo ng water gun?" sabi ko
"Oo pero hindi ito basta-basta watergun lamang." sagot nito. Tinira niya ang halimaw at agad itong na pa ungol. Mas narami pa nito ay pagtira ng kung ano man ang nilagay niya doon kaya nabitawan ako ng halimaw.
Sa kasamaang palad ay di ko nagamit ang flying skill ko kaya nahalikan ko ng wala sa oras ang lupa.
"Teka ano ba iyang nilagay mo jan?"
"Nilagyan ko nang antibiotic ang tubig." sagot nito habang oatuloy sa pagtira sa kaderder na halimaw. "Alam mo naman ang STD ay dulot ng mga bacteria sa pakikipagpasukan ng kung ano ano kaya antibiotic agad ang pumasok sa isip ko."
Agad ako tumakbo papunta sa loob ng bahay at kinuha ang isang timbang tubig sa CR namin. Naghanap ako ng antibiotic pero wala akong makita dahil ubos na ang mga iyon sa water gun ni Gab. Dali-dali naman akong lumabas ng bahay at humingi ng tulong sa mga kaoitbahay namin.
Sinabihan ko sila na kailangan nilang magdonate ng mga antibiotic nila upang masugpo ang punyetang halimaw na iyon. Kailangan ko iyong gawin. Agad namang punayag ang mga kapitbahay namin at isa-isa nilang binigay iyon sa akin.
Nang sapat na ang mga anti biotic ay dali-dali akong umuwi sa bahay at binuhos ang mga iyon. Hinalo-halo ko pa ang mga ito hanggang sa matunaw ang capsula.
"Bilisan mo jan Putitay! Paubos na ang watergun dito."
Agad ko nang binuhat ang timba at lumabas ng bahay. Gamit ang strength skills ko ay itinapon ko ang laman ng timba papunta sa halimaw na iyo. Mas lumakas pa ang pag-ungol ng Halimaw. Rinig mo din ang pag sirit nito katuladd ng isang mainit na bakal na binuhusan ng tubig.
Maya-maya pa ay agad na itong natunaw. Bumulabula ito at paliit ng paliit ang halimaw. Hingal na hingal kong pinanood ang pagkalaho ng halimaw. At ganoon din si Gab. Nakakastress din yun ah. Mabuti nalang may matutulungin akong kapit bahay.
"So ano Gab? Ayaw mo pa bang maging isang sidekick? Dahil kung ayaw mo pa din. Iyon ang tatapos sa buhay ko." sabi ko sa kanya. Oh diba ginamit ko iyon sa kanya para mapapayag ito.
"Okay payag na ako!"
"Sigurado ka?"
"Oo siguradong sigurado ako. Ang sarap sa pakiramdam lasi na may nagupi kang isang halimaw at masama at gusto ko iyon maramdaman ulit."
"Hahaha good!" sabi ko. Marami nang tao ang nagsisigawan sa paligid ng halimaw na naglalaho.
Kaya agad akong lumipad ng mabilis at lumayo upang magtransgorm bilang isang ordinaryong tao. Yes kumpleto na kami.
Nakarating ako sa isang di masyadong mataong lugar medyo malayo sa pinangyarihan. Nagtransform na ako bilang isang ordinaryo at inilagay ang napkin sa bulsa ng panty ko. Napatingin ako sa kalsada
Hays mahaba pala ang lalakarin ko nito. Bwisit.
To be continued...