Chapter 16
Sinabihan ko agad silang magkita kami sa b****a ng budokudowudo forest alas otso ng umaga. Dadalhin ko na kasi sila sa Mememens planet. Kailangan ko na silang ipakita kay Meno upang matrain sila at mabigyan ng kung anong kapangyarihan.
Nakarating na ako sa budokudowudo forest. Nakita ko sila naghihintay sa akin. Sa Mhelca ay nakabukakang nakaupo sa isang natumbang kahoy. Habang si Gab naman ay nakatayo at nakatingin ng malayo. Si Gurami naman ang unang nakakita sa akin na papalapit na.
"Waw ang aga ha. Grabi alas utsu na pala." sarkastikong saad ni Gurami.
"Oo nga eh. Akala nga namin di ka na dadating." sabat naman ni Mhelca.
"May ginawa pa kasi ako."
"Ginawa daw. Eh nakaharap ka lang naman sa cellphone mo nang umalis ako. Sabi mo susunod ka."
"Tumahimik ka Gab. Kasinungaling mong bata."
"Sinungaling? Eh tumatawa ka pa nga habang may tinatype ka sa phone mo eh."
"Siguro may katix." sabi ni Gurami.
"Gagang toh. May katextmate na pala wala akong chismis na narinig sa kanya."
"Tumahimik ka nga!" tumingin ako ng masama kay Mhelca. "Oo na may katext ako. So pake niyo?"
"Naku. Sinu naman iyang katix mo." tumngin siya sa akin. "Humaygad wag mung sabihing si Fafa Raze."
Tumango naman ako at napangiti. Kenwkeleg ako pag na aalala ko yung text niya kanina. Grabe ang funny niya. Tapos yung mga bola niya naks. Akala ko naman totoo. Hihihi.
"Haliparut ka. Inunahan mu aku." sigaw ni Gurami at aakmang sasabunatan ako.
"Try mo akong sabunutan at kakalbuhin kita." pagbabqnta ko bago pa siya makalapit sa akin. Napatigil naman ito dahil sa banta ko.
"Don't forget me Putitay. Nang dahil sa akin di mo nakilala si Raze." sabi naman ni Mhelca.
"Gagang ito wala na akong utang na labas sa iyo ano. Yang pagiging sidekick na ang kapalit nun." sabi ko.
"Tama na nga ang usapan. Dalhin mo na kami sa Planetang sinasabi mo." wika ni Gab.
"Ito kasi sila Gurami at Mhelca eh. Marami pa silang satsat." paninisi ko.
"So paano mo kami dadalhin doon?"
"Gamit ito." itanaas ko ang kamay ko na may hawak na lubid. "Itali niyo ito sa paa niyi at siguraduhing mahigpit ang pagkakatali." utos ko sa kanila.
Agad din nilang sinunod ang utos ko. Kumuha sila ng isang lubid at itinali sa mga paa nila. Maya-maya din ay natapos din nilang itali ang paa nila. Kinuha ko na din ang magic napkin at nagtransform na ako bilang isang superhero.
Nang nakatransform na ako ay kinuha ko ang dulo ng mga lubid nila hinigpitan ko ang hawak at itinaas ko na ang kabilang kamay ko at sinumulang lumipad. Napasigaw naman ang tatlo ng bigla bumaliktad dahil nga sa paa nila nakatali ang lubid na hawak ko. Nagkabanggaan pa sila kaya todo reklamo ang mga ito.
"Bwisit ka Putitay. Ang sakit ng pagbangaan namin ditu kaya."
"Eh kung bitawan ko ang tali mo?"
"Oo na tatahimik na ako." sabi ni Gurami.
Ilang sandali ay biglang dumilim ang paligid. Senyales na nasa kalawakan na kami. Kita ko na din ang Mememens Planet kaya medyo binilisan ko ang paglipad ko. Maya-maya dina ay nakarating din kami sa planetang iyon.
Manghang-mangha naman ang tatlo kahit nakabaliktad sa mga iprastraktura ng planeta. Nakita din nila ang mga nakakamanghang damit ng mga mamamayan ng Mememens Planet. Maraming nakatingin sa amin na mga taga planetang ito.
Sa totoo naman kasi ay di normal ang mga iprastraktura dito. Lahat kasi ng building baliktad. Nasa pinakataas ang entrance door kaya bago ka makapasok sa building ay kailangan mo munang akyatin ang hagdan papunta roon. Atsaka dito lamang ay building na may 13th floor. Di naman kasi malas iyon rito. Wala naman kasing pamahiin ang mga nakatira rito.
"Wow ang astig ng Mall dito. Triangle ang building. Tapos ang ganda ng mga designs ng paligid."
"Hahaha tama ka Gab. At dito lamang ang walang traffic." sabi naman ni Mhelca.
Panay pa din ang pag-ecplore ng kanilang samu't saring mata sa paligid. Naku.
"Putitay! Malapit na ba tayu? Nasusuka na aku." biglang saad ni Gurami.
"Oo malapit na tayo. Tiisin mo muna iyan."
"Di ku na kiri Putitay. Lalabas na talaga." aakmang susuka na ito pero pinigilan ko muna.
"Wag kang sumuka dito. Bawal iyan. Lunukin mo muna."
Sinunod niya naman ang sinabi ko. Nilunok niya nga talaga ang isusuka niya. Ilang segundo ay nakarating din kami sa palasyo at doon sumuka ng sumuka si Gurami.
Iniwan ko muna sila sa Guest room at dumiretso ako sa kwarto ni Meno. Kahit nasa pinto palang ako ay alam ko na ang ginagawa niya. Syempre ang gaga nagmemeditate. Ayun panay pa din ang bigkas niya ng Mekeni Mekeni na iyon.
Agad kong binuksan ang pinto at tama nga ang hinala ko nagmemeditate nga ang gaga ng nakasplit. Nang maramdaman niya ang presensya ko ay iminulat niya ang kanyang mata. At walang ano-ano'y sumigaw ng bongga.
"Maligno!" naghihisterikal na sigaw nito.
"Sa ganda kong ito. Maligno talaga ang isinigaw mo."
"Di naman ikaw yung tinutukoy ko na maligno. Yung nasa likuran mo." sabi nito at itinuro iyon.
Liningon ko ang itinutukoy niyang maligno. At agad din akong napasigaw ng makita ko ang Maligno ngang sinasabi niya. Pero naputol ang pagsigaw ko nang may sumampal sa akin. At doon ko lang narealize na si Gurami pala iyong nasa likuran ko.
"Bwisit ka Gurami. Ba't ka nanampal? Atsaka bakit ka narito?"
"Malamang sumunod ako sa iyo."
"Tapos ka na palang sumuka. Bumalik ka nga doon. Maghintay ka muna kasama sina Gab at Mhelca." pagtataboy ko sa kaniya. Umalis naman ang gaga ng padabog.
Hinarap ko si Meno na nakatingin sa akin.
"So anyways. Dinala ko na ang mga sinasabi mong sidekick na kailangan ko. At kung narinig mo ang sinabi ko kanina kay Gurami. Nandoon sila sa Guest room." sabi ko.
"Ba't ka natagalan? Alam mong kailangan na nilang mag ensayo pero ngayob mo lang sila dinala rito."
"Kasi naman yung kapatid ko. Ayaw pa noong una. Pinilit ko pa kasi kaya natagalan ako. Atsaka tatlong araw palang ang nakalipas noong nagsabi kang magdala ako ng sidekick ko."
"Oo nga tatlong araw. Pero alam mo ba. Anim na araw na lang ay Pink moon na. At habang mas papalapit ang araw na iyon ay mas rumarami pa ang nagpipilit nankunin iyan." sabi nito sabay turo ng ano ko.
"Nang Pechay ko?" tanong ko.
"Gaga. Yung napkin ang itinutukoy ko. Walang magkakainteres jan sa Pechay mong mabaho noh." sabi nito. "Atsaka anytime anywhere. Pwedeng sumalakay ang kampon ni Pose. Kaya kailangan niyo nang maghanda."
"Hala ba't damay ako. Sila ang dapat na maghanda ano."
"Basta kailangan mo ding mag-ensayo ng kaunti."
"Okay." tipid kong saad. Ano ba naman iyan pati ako kailangang magsanay din? Ang lakas ko na kaya. Keribels ko na kaya ang mga iyon kahit mag-isa ako.
"Good. So anyways. Kailangan ko na silang makilala." sabi nito. Sinuot na niya ang kanyang damit at lumabas ng kwarto. Nakasunod naman ako sa kanyang likuran habang naglalakad papunta sa Guest room.
Naabutan namin silang nakaupo sa sala n nanonood ng ng tv habang pinagsisilbihan sila ng mga d**k heads. Napansin ako ni Gab kaya bigla itobg tumayo at nagsalita.
"Grabe Putitay. Ang astig din ng mga palabas di-" naputol ang ainasabi nito ng napatingin sa kasama kong si Meno. Tapos ang gaga nakamaldita look pa.
Napaupo ng wala sa oras si Gab at napatigil ang mga daldalan ni Gurami at ni Mhelca sabay patay ng tv.
Naglakad kami ni Meno sa harap nila habang nakataas ang isang kilay ni Meno. Tapos ang mga mata naman ng tatlo ay takot na takot. Gusto ko ngang tumawa dahil sa mga ekspresyon nila. Alam mo yung feeling na parang pinipigil ang ang paglabas ng tae. Parang ganun ang mga mukha nila.
"I want you to introduce yourself." sabi ni Meno.
"Okay this is Gu--"
"Shut up Putitay. Im not talking to you." pagmumura nito. Kaya tumahimik ako.
"Ikaw mauna Maligno." seryosong saad ni Meno. Nanginginig na tumayo si Gurami.
"Aku si Gurami Mam. Prind aku ni Putitay at pinili niya akung maging isang saydkik niya." sabi nito. Tumango naman si Meno na senyales na umupo na ito. Gusto ko na talagang tumawa pero pinipigilan ko talaga.
Tumingin ito kay Mhelca at tumayo naman ang Gaga.
"Ako si Mhelca. Classmate ako ni Putitay. At alam niyo ba na may anak sa labas si--" napatigil ito at napaupo ng tiningnan siya ng Masama ni Meno. Oh diba ang gaga balak pang magchismis kahit na seryoso ang nagtatanong.
Sumunod na tumayo si Gab at lakas loob na nagsalita.
"Ako si Gab. Kapatid ako ni Putitay at isa din ako sa pinili niya."
"So ikaw pala yung dahilan kung bakit natagalan si Putitay."
Agad na umupo ito ng marinig niya ang sinabi niyong iyon.
"So kailangan niyo ngang magsanaya upang madiscover at mahasa ang iyong mga ability." sabi nito naglakad ito paalis. At bago pa makalayo ay may habol pang sasabihin. "Meet me in the training room in 5 minutes sharp. Pag wala kayo doon ay bahala na kayong magpakamatay. Kung di niyo alam ang lugar na iyon, problema niyo na iyon." sabi nito at umalis.
Sumunod ako sa likuran niya at nang wala na kami sa paningin ng tatlo ay biglang tumawa si Meno.
"Kita mo yung ekspresyon ng sidekick mo?" sabi nito.
"Hahaha syempre. Parang may pinipigilang tae." sabi ko at napatawa kaming dalawa. "Taray ng maldita look mo. Ikaw na ang kontrabida."
"Niloloko ko lang naman sila. Pero noong nakita kobyung takot sa kanila ay papanindigan ko na iyon mamaya." sabi nito at dumiretso papunta sa training room.
To be continued...