Chapter 17
Vagene's POV
"VA-GE-NE!" walang pakundangang sigaw ni Pose na umaalingawngaw sa buong kastilyo. Ano ba naman iyan. Di man lang ako makapaghappy-happy. Katatapos ko lang nga sa pagrereview ng result ng tatlong nakalunok ng itlog ng ostrich tapos siguradong may iuutos naman ito.
Dali-dali naman akong tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Pose. Pagod na pagod ako sa kakatakbo sa masikot na daanan dahil nga bawal ang pinaghihintay si Madeym.
Liko here, liko there and liko everywhere.
Nakarating din ako sa mismong kinaroroonan ni Madeym. Kulang na nga lang ay bitbitin ko na ang mga paa ko sa ngalay eh.
Binuksan ko na ang pinto sa aking harapan. Sigurado akong galit si madeym kasi nga sa boses pa lang ay halatang halata na. Di naman sisigaw si madeym ng super kung di yun galit.
Nanginginig ang aking mga tuhod na humarap sa feslak ni madeym. Alam kong pag-galit siya damay-damay lahat.
"Ano po iyon madeym?" kulang nalang ay makagat ko na ang dila ko sa panginginig.
"BWISIET!" sigaw ni madeym at agad na napatakip ako ng tenga. Wala nang nagkabasag-basag sa kastilyo ni madeym dahil nabasag na iyon lahat noon pa.
"Madeym! Hinay lang." pagpaparelax ko sa kanya pero pinandilatan niya ako at tumingim sa akin ng nakakatunaw.
"TUMAHIMIK KA VAGENE HA! GALIT AKO AT DI AKO MAPAPAKALMA." bawat salita ni meym ay sobrang diin at galit na galit. Sumigaw naman ito ng sumigaw kaya todo naman ang takip ko ng tenga ko. Mabuti nga ay hanggang ngayon ay buhay pa ang eardrums ko. Nakakasurvive din sa walang sawang tili ni madeym.
"Bakit kasi galit kayo madeym? Ikwento mo para maibsan galit mo." sabi ko naman ng mahinahon.
"DI MAIBSAN ANG GALIT KO KAHIT IKWENTO KO PA IYON SA IYO! MAS LALALA PA ANG GALIT KO.." wika nito at napatayo sa kanyang trono.
May naisip akong ideya para mawala ng kaunti ang galit ni madeym at para malaman ko din kung ano ang dahilan ng pag-alburoto nito.
"Ah madeym?"
"ANO IYON VAGENE?" Halos kita ko na ang ngalangala niya sa pagsigaw sa akin. Di ko naready ang tenga ko doon ah. Feeling ko nadamage na ang eardrums ko.
"Ito na lang po madeym. Isipin niyo nalang madeym na ako ang dahilan ng galit mo. Sabihin mo sa akin lahat ng gusto mong sabihin. Dali madeym." sabi ko naman. Oh diba ang galing kong dumiskarte ano.
"Magandang ideya iyan Vagene." saad ni madeym ng nasa di pasigaw na tono.
Tumalikod ito sa akin at ilang segundo pa ay humarap ito ng puno ng galit ang mga mata. Kulang na lang ay magliyab ang buong katawan niya sa galit.
"WALA KANG ORIGINALITY MENO! WALA! PATI BA NAMAN ANG PAGTAWAG KO NG SIDE KICK GAGAYAHOIN MO PA?" sabi nito. Kaya pala galit si madeym. Dahil pala iyon sa kapatid biyang si Meno.
"GAYA-GAYA KA MENO. SOBRA! MANG-AAGAW KA NA, SAKSAKAN KA PA NG GAYA-GAYA. LANDI MO BWISIT KA!" dagdag pa nito.
Mabuti ay success ang plano ko. Ang galing ko diba? Pero agad akong nagulat ng bigla niya akong sinampal sa kaliwa kong pisngi.
"PARA IYAN SA PANG-GAGAYA MO!" agad akong napahawak sa kaliwa kong pisngi. Feeling ko tumabingi ngipin ko doon. Sinampal niya ulit ako sa kabilang pisngi.
"PARA IYAN SA PANG-AAGAW MO!" balance na ang sampal no madeym. Pero nagulat ako ng bigla niya akong sinabunutan ng sobrang sakit.
"AT PARA DIN ITO SA PAKIKIPAGCHUKCHUKAN SA BOYFRIEND KO!" Nanggigigil na turan nito habang sinasabunutan niya ako. Halos matangal na ang buhok sa anit ko sa sabunot ni madeym hanggang sa di ko na keri.. Hinawakan ko ang kamay niya na gamit nito sa pagsabunot sa akin
"Madeym! Tama na. Di ako si Meno!" hirap na saad ko dahil sa di pa din siya tumitigil sa pag sabunot. Napatigil din si Madeym sa sabunot sa akin. Lumakad ito sa upuan niya at umupo doon.
Gulong-gulo ang aking buhok ng umalis ito. Hays. Oo nga. Success ang plano ko dahil di na siya masyadong galit pero ayung nga nasampal at nasabunot ako ng wala sa oras.
"Okay na po ba ang pakiramdam niyo?" tanong ko sa kanya.
"Nailabas ko din ang galit ko." sabi nito. Oo nga nailabas mo ang galit mo sa akin. Di la man lang magpasalamat. Pero ano pa nga ba ang ieexpect ko kay madeym diba?
Huminga ito ng malalim na oara bang inilabas na nito lahat ng galit at poot nito sa kanyang katawan
"So kamusta na ang tatlong nakalunok ng itkog ng ostrich?"
Naalala ko agad ang nangyari sa tatlong mga walang kwentang iyon.
"Okay naman po sila."
"Anong result?" tanong nito.
"Nang ano po?"
"Nang pregnancy test ko!" sabi nito at nagrolled eyes. "Malamang ng tatlong iyon. Yung pinag-uusapan natin ah." agad akong napaduko. Kay gaga ko din pala.
"Ah okay ito po madeym." natataranta kong kinuha ang tablet ko upang makita kyng ano ang resulta. "Si Dhensita po yung nanguna pero halos hubo't hubad na dahil sa walang natira sa kanyang gown na suot." sabi ko. Naoatawa agad ako sa aking isipan dahil doon. Kay laking tanga naman kasi nung baklang iyon. Training puountahan tapos nakagown.
"Si Bianca naman po yung second pero naiwan pa nga niya along the way ang bra niya. Kaya ayun tabingi ang dede ng gaga at the end."
"At yung huli naman madeym ay si Natasha. Sa katunayan nga ay di niya natapos ang obstacle dahil nahimatay na ang gaga sa huling stage. Yun pala di nakakain bago magtraining." Kaya pala nagtanong yung gaga sa akin kung may pagkain doon. Di pa pala iyon nakakain.
"Okay so si Dhensita ang magiging lead sidekick. Siya ang pwedeng makipag-usap sa anak ko in the middle of the battle." wika ni madeym. Tumayo ito sa kanyang upuan.
"Kailangang mapasaakin ang napkin bago ang pink moon. Gawan mo sila ng costume!" sigaw ni madeym sa akin.
Tumayo ako at kumuha ng lapis at papel.
"Gawan mo si Dhensita ng isang gown na napakatibay at di masisira sa labanan." utos nito at isinulat ko iyon sa papel na kinuha ko.
"Ano pong color?" tanong ko naman.
"Itim!" wika nito "Lahat sila dapat itim ang damit." tumango ako at isinulat iyon.
"Si Bianca po madeym? Anong iiimprove natin?"
"Gawan mo siya ng fake butt. Metal bra upang di na mahulog iyon sa katawan niya. At dahil metal na din ay gusto kong lagyan mo ng isa pang power ito na voice activated."
"Ano naman pong power?"
"Milk shot. Kung saan lumalabas sa s**o nito ang gatas na ang lahat ng matatamaan lulusot ito. Kahit gaano man iyan katigas at katibay ay pedeng malusutan ng milk shot nito."
Isinulat ko din iyon sa papel. Medyo natagalan din ako sa pagsulat dahil sa naputol pa ang nasa dulo ng lapis. Napatasa agad ako ng wala sa oras. Mabuti nga lang ay mau kaunting pasensya si madeym.
"Kay natasha?"
"Gawan mo siya ng fitted na damit na maitatago ang kanyang fats. Magpapaliit ng kanyang wasteline maipapakitang may sexy itong katawan. Gawan mo din siya ng fake boobs para medyo lumaki din ang hinaharap niya." tumango naman ako at inilista na iyon.
"Wala na po ba madeym?"
"Tawagan mo si Raze via skype. Tanungin mo ang gusto niyang costume. Pero dapat ang kulay ay itim." utos nito at napatango ako.
"Ano pang ginagawa mo dito?" yumuko ako at aalis na. Ayan galit na naman si madeym. "ALIS!!" sigaw nito kaya agad naman akong lumabas.
To be continued...