Chapter 18

1189 Words
Chapter 18 Putitay POV Kiliting kiliti ang buong katawan ko mga bes alam niyo ba iyon. Ito kasing si Babe eh. Nekeke-ene. Nagtetext kasi si Bebe Raze sakin tapos kahit sa text ang gwapo niya din. Tapos ako itong katawan ko naman nanginginig sa kilig. Iniwan ko muna yung tatlong hitad doon sa Memens Planet dahil may dalawang araw silang training. At ngayon ang huli g training nila. Susunduin ko pa ang tatlong yun pero si Bebe ke dito nekekewet mag text. Gusto niyong mabasa yung pinag-uusapan namin? Dahil ang ganda ng mood ko ngayon mga bes hahayaan ko kayo. AYYYY! Nag reply na sya mga bes. "Anong gawa mo ngayon, Babe?" sya "Heto nakahiga." "Gusto mo tabihan kita." agad naman nagsitayuan ang buhok ko sa pechay mga bes.. "Sege tebehen me ke tapos gewe teye bebe mge sempe." yan sana irereply ko mga bes kaso naka di na sya magreply "Wag na. Baka kung anong gawin ko sakin." pakipot ko pa. Alam niyo naman diba mga bes mahinhin akong babae. Hard to get ako noh hihihi. "Lahh. Joke lang naman." sagot niya. Nasaktan ako ng kaunti dun. Akala ko gusto niya akong tabihan tapos joke lang. "Haha alam ko." sagot ko nalang din. "Kita tayo? Mamaya sa park?" Gusto ko sana kaso kailangan ako ni Meno. Atsaka baka bawiin niya ang napkin ko pag di ako sumipot sa meeting. " Sorry. Im not alavable later." "Available! Anong alavable?" "Wag mo nga akong turuan. Parehas lang naman yan ah." "Hahahahaha okay lang kung di ka puwede mamaya. May pupuntahan din pala ako later." Di na ako nagreply dahil panay ilaw ng napkin sa kwarto ko. Ano ba naman yan, panira tong napkin. Padabog akong pumunta sa aparador at kinuha ang napkin. Biglang iniluwa nito ang mukha ni Gurami na hologram. "AYY SHUNGA!" sigaw ko sa gulat. "Nahiya aku sa tanga." sagot naman nito. "Problema mo?" "Saan ka daw? Kanina ka pa hinihintay ditu. Akala ku susunduin mu kami?" "Ay ano ako? Grab? tangang toh. Sige papunta na ako." "Ayyyy wit wit wit. Wag mu munang ibababa. May tanung aku?" "Ano?" buwisit kong sagot. "Maganda ba aku sa hulugram?" Pinatay ko na ang tawag sa napkin. Di ko na sya sinagot aapagkat nag transform nalang ako. "Putitay ang mahiwagang babaeng virgin!" sigaw ko ng bonggang bonga. Agad na lumipad sa ere at dumiretso sa loob ng panty ko. Agad akong napaungol ng pumasok iyon. Lumutang agad ako tas nagtransform na ako sa aking costume. "Magic Napkin dalhin mo ako sa Memens Planet." utos ko sa kwintas na napkin na nakasukbit sa leeg ko. "What's the password?" "Like a virgin, touch for a very first time." kanta ko at punit pechay akong nagsplit. Nang makumpirma na ang password ko ay tama. Agad akong tumayo at ipinuwesto ang aking katawan. Itinaas ang aking kamay at lumipad ako paitaas. Di ko alam kung ilang ulit ko nang nasira tong bubong namin. Nakalimutan kong nasa kwarto ako. Maya-maya ay nakarating na ako sa memens planet. Agad naman akong sinalubong ng dickheads. Alam niyo ba, taray tong dickheads na toh. Mas daks pa toh sa nobyo mo. Naglakad ako papuntang sala at doon nakita ko ang mga hitad. Inip na inip ang mga mukha. Unang nakakita sa akung kagandahan ay si Mhelca. Sumunod naman ay si Gurami. Ang gaga nag rolled eyes pa. Tumayo si Gurami sa kanyang kinauupuan at lumapit sakin. "Di mu man lang sinagut ang tanung ku sayu." Di ko ulit sya pinansin. Pero ang Gaga sinampal ako. Agad namang kumulo ang dugo ko mga bes at di ko nakontrol ang aking katawan. Hinawakan ko buhok ng gaga sabay hambalos sa isang dickheads. At sa kasamaang palad ng gaga ay nasubo niya ang ano ng dickheads. Agad niyang tinulak ang dickheads. "Ang asim... Putaa." Sigaw ng gaga habang nasusuka. Shock si Mhelca na nakahawak pa ang dalawang kamay nito sa kanyang dede. Habang si Gab ay parang wala lang. Siguro napagod sa training kaya wala ng pake ang kapatid ko. "Yan ang napapala mo sa sampal mo." sabi ko. At tumungo sa kinaroroonan ni Meno na halos mamatay na sa kakatawa. "Oh happy?" sarcastic kong saad. Napatigil sa tawa si Meno. Bad mood na ako mga bes. "Anong resulta ng training?" "Ayon sa isa sa mga dickheads ay lahat sila nakapasa. Akin ko na silang ginawan ng dyamante na kapag sinuot nila ay bibigyan sila ng kapangyarihan." "Ano namang mga kapanghariyan ang ibinigay mo?" "Kay Mhelca, ibinigay ko sa kanya ang magic of cheka. Dahil sa katsismisan ni Mhelca ay magagamit natin toh bilang advantage. Kay Gurami, ibinigay ko ang Magic of Kapangitan. Kung sino man ang mapuputukan ng pimples nito ay Matutunaw." "Ayyy. Pur yur impurmisyun di aku pangit.", agad na reklamo nito Nilingon ko ito at nagsabing, "Tatahimik ka o ipapasubo ko sayo ang ang katabi mong dickhead?" Lumingon ito sa katabi niya. "Itu na. Sat ap na." Hinarap ko si Meno. "Go continue!" Pag-i-english ko mga bes. Taray noh. "So ayun na nga. Kay Gab naman ay Magic of Big." sabi nito tapos medyo hininaan nito ang kanyang boses. "Daks pala tong kapatid mo bat di mo agad sinabi." "Meno ano ba naman. Wag mo nga pairalin ang kalandian mo. Gayahin mo ako, di ako malandi." Wag na kayong mag reklamo mga bes. Insecure lang kayo sakin. "Ay. Di raw." tapos napaismid ito. "So ayun na nga, yan ang mga powers nila." pagpapatuloy nito. Ilang saglit pa ay may lumapit na dickhead sa amin. May dala itong tatlong maliliit na kahon kay Meno. Yumuko ito bago umalis sa aming harapan. "Ano yan?" curious kong tanong. "Ang kwintas nila. Sige ibibigay ko na sa kanila ang kwintas." tumayo si Meno at pumunta sa harapan. "Mhelca!" Tawag nito. Tumayo naman si Mhelca at lumapit kay Meno. Iniabot nito ang kwintas na syang kinuha naman ni Mhelca. "May manual iyan sa loob. Basahin mo. Tagalog yan kaya di ka mahihirapan. Boba ka pa naman." Sunod namang tinawag si Gurami at Sumunod si Gab. Nang makuha na nila ang kwintas ay sabay sabay nilang binuksan ang kahon at isinuot ang mga iyon Isa-isa silang lumutang sa kahanginan at umilaw ng sobra ang kanilang katawan. Napapikit ako dahil ayokong madamage ang precious eyes ko mga bes. Nang mawala na ang nakakasilaw na liwanag ay makikita mong nagsibago ang kanilang mga hitsura. Makiban kay Gurami na mas lalo lang nangitim dahil sa damit nitong orange. Napakaguwapo naman ng kapatid kong si Gab. Nakita ko pa ngang nahulog ang panty ni Meno. Nakatopless kasi ang kapatid ko habang suot ang fitted na legging. May hawak itong malaking espada at medyo humaba ang buhok. Si Mhelca naman, lumaki ang bibig tapos ganoon din ang tenga nito. Naka bra pa ang gaga, wala namang dede. Amaze na amaze naman nilang pinagtitingnan ang kanilang mga hitsura. Si Gurami ayun parang pinagsakluban ng lupa at mas lalo pang nangitim. Gandang ganda naman si Mhelca sa sarili. Pero wala pa ring makakatalo sa kagandahan ko mga bes. Magrereklamo pa sana si Gurami ng sabay-sabay na nagsiilaw ang aming kwintas. Nagsitinginan kami. Isa lang ang ibig-sabihin nito. Kailangan kami. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD