"OH, Sir Sea, ang aga mo rin 'ata ngayon," puna ni Eynon sa kanya nang masalubong siya na palabas sa headquarter bandang alas dos ng hapon. "Diba late ka na pumasok kaninang umaga?" Halos hindi siya nakatulog kagabi dahil magkatabi sila ni Maxine sa kama magdamag, kaya naman tinanghali na nga siya ng gising ay nahirapan pa siyang bumangon. Napakunot ang noo niya. 'Din?' tanong niya sa isip. "May pupuntahan kami ni Inspector, bakit maaga ka rin bang uuwi?" kunwa'y tanong niya rito. "Hindi, si Storm kase half day lang ngayon," tugon nito na ang tinutukoy ay si Naylor. Bumilis ang pagtibok ng puso niya dahil sa panibugho sa isip na tuloy pa rin si Naylor at Maxine sa napag-usapan ng mga ito. "Eh, akala ko may gimik na naman kayo na hindi ako kasama, malapit ng sumama ang loob ko, ha

