PINAHINTO ni Maxine ang kabayo niyang si Xeo sa gilid ng talampas kung saan nakikita ang malawak na plantasyon ng tabako at kape sa ibaba. Itinanaw niya roon ang namamasang mga mata. Apat na buwan na ang nakakaraan, pero ramdam na ramdam pa rin niya ang kakulangan sa kaniyang puso at ang bahagi noong tila humahapdi tuwing maiisip niya si Kyzer. At ang nararamdamang iyan upang maibsan ay idinadaan na lang niya sa pag-iikot sa hacienda sakay ng kaniyang kabayo. Mas gusto niya iyon kaysa alagaan ang kaniyang anak. Dahil tuwing tititigan niya ito ay ipinaaalala lamang nito sa kaniya ang ama nito. Kamukhang-kamukha nito si Kyzer kaya tila pati sa sanggol na ito ay naiinis siya. Kaya naman hindi ito hinahayaan ng kaniyang mga magulang na nasa tabi niya lalo na kung sila lamang dalawa. Ginu
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


