DELTA: NANGINGITI akong nag-aalaga kay Dawson dito sa opisina ko habang nasa klase si Yumi. Bago pa kasi ito lumabas ng opisina kanina ay ilang beses na muna naming inangkin ang isa't-isa dito sa opisina sa lahat ng sulok. Kahit ang office table ko ay walang ligtas sa labing-labing naming dalawa. Mabuti na lang at hindi mahirap alagaan si Dawson. Hindi kasi ito iyakin at magulo. Kaya kahit nandidito lang kami sa loob ng opisina na kinakalaro ko ito ay hindi ito nayayamot. "Fvck. I'm a father now," piping usal ko na may ngiti sa mga labing hinahaplos sa ulo ang anak ko. Abala itong naglalaro ng mga toys nitong dala-dala ni Yumi kasama ang mga gamit nitong binaon namin. Baby wipes, diaper, milk at extra clothes nito. Napaka-hands-on nga nito sa pag-aalaga kay Dawson na kahit mga malili

