DELTA: SAKAY ang mag-iina ko na inihatid ko si Yumi ng school. Dahil sa nalaman nito kagabi ay ako na ang personal na magmamaneho para sa kanila. Kaya naman inagahan na lang naming bumaba ng village ko para hindi ito ma-late sa school nito. Nakasunod din naman si Rohan sakay ang ducati ko na sanay gagamitin namin ni Yumi. "Ang tahimik mo, baby. Okay ka lang ba?" baling ko dito na hinawakan ang kamay nito. Kalong naman nito si Dawson na tahimik nilalaro ang robot nitong dala ng Tito Noah niya kahapon. "Nalipasan ka ba ng gutom kagabi, Delta?" "Huh?" "Hindi ka ba naniniwala sa akin? Sinabi ko naman sa'yo--" "Sshhh. . . naniniwala ako sa'yo, baby." Agap ko sa sasabihin nito. "Sabihin na nating. . .sinusubukan ko ang kunsensiya niya." Napahinga ito ng malalim na nakabusangot pa rin

