YUMI: TAHIMIK kaming tatlo na naiwan dito sa waiting area ng hospital kung saan kaharap namin ni Rohan si Nanay. Nasa labas naman si Delta kasama si Dawson dahil nagrereklamo na ito na naiinitan. Mapait akong napangiti sa isip-isip ko habang nakamata sa ina namin. Hindi ko lubos akalaing habang bumabangon pala ako sa depression ko na pinalala nito ay nalulugmok din siya sa depression. Hanggang sa natalo ang katinuan sa isipan nito na sinisisi ang sarili na nagpakamatay ako dahil sa kanya. Nakatanim na marahil sa isipan nito na siya ang dahilan kaya ako nagpakamatay. Ngayon ay mas nauunawaan ko na ang mga bagay-bagay. Siguro nga noong una ay sarado ang isipan ko pagdating sa kanya. Wala akong ibang iniisip kundi ang masuklam sa kanya. Ni marinig ang pangalan nito ay hindi ko nanaising

