“ROCYN, ibaba mo ang baril—“ “Umalis ka na!!!” Nanginginig ang buong katawan ni Rocyn. Alam niya sa sarili niya na hindi niya kayang paputukin ang baril pero tinatapangan na lang niya ang kanyang sarili para matakot si Gerald at umalis na ito. Maya maya ay nabahala siya nang makaramdam na naman siya ng pagsakit ng kanyang katawan. Hindi na bago sa kanya iyon. Senyales iyon na kokontrolin na naman siya ng baby niya. Napahawak ang isang kamay niya sa kanyang ulo habang tila nababaliw na nagsalita. “Hindi. `Wag ngayon, baby! `Wag nga—“ “Nagugutom ako, mama!” Nagsalita na naman siya na parang bata habang may nakakatakot na ngiti sa kanyang mga labi. “Hindi! Tumigil ka!” saway niya habang pinapalo ang tiyan. “Anong nangyayari sa’yo?” Nakakunot ang noo na tanong ni Gerald sa kanya. “Umali

