HALOS masuka si Joey sa nadatnan niya sa apartment. Wakwak ang tiyan ni Gerald, wala na itong buhay. Nagkalat sa tabi nito ang durog-durog nitong lamang loob. Hindi naman sa kalayuan nito ay naroon si Rocyn. Duguan ang p********e at hita nito. Naabutan niya itong may malay kanina pero bigla na lang itong nanghimatay. Natataranta na isinarado niya ang pintuan at ini-lock iyon. Halos hindi na gumagana ang utak niya ng sandaling iyon. Hindi niya kasi inaasahan ito. Umuwi agad siya dahil nag-aalala siya kay Rocyn dahil mag-isa lang ito. Kung hindi sana siya sumama sa mga kaibigan niya ay baka hindi ito nangyari. Ang hinuha niya, base sa hitsura ni Rocyn ay baka tinangka itong gahasain ni Gerald. Wala kasing saplot ang dalawa. Marahil ay nanlaban si Rocyn at napatay nito ang lalaki. “Ano kaya

