“KUNG hindi mo kayang tingnan ang gagawin ko sa asawa mo ay mabuti pang lumabas ka muna.” Napansin yata ni Aling Chanda ang pagkagusot ng mukha ni Joey habang nagsusuot ng surgical gloves ang matandang babae. Sisimulan na nito ang pagkuha at paglaglag sa sanggol na nasa tiyan ni Rocyn. Lumunok ng laway si Joey. “Hindi. Dito lang ako. Hindi ko iiwanan si Rocyn.” Pilit na pagpapakatatag niya. Wala siyang balak iwanan si Rocyn dahil kung sakaling may mangyaring hindi inaasahan ay nasa tabi lang siya nito. Habang nakatingin siya sa kilos ni Aling Chanda ay panay ang usal niya ng panalangin sa kanyang isip na sana ay malampasan ito ng babaeng minamahal niya. “Madali lang ito. Sanay na ako sa paglaglag ng bata kaya wala kang dapat na ipag-alala. Manood ka lang diyan!” Natatawa pang sambit ni

