PASILIP-SILIP ang sampung taon na gulang na si Damian sa labas ng kanilang mansion. May katabaan ang batang si Damian. Sa murang edad ay nakasuot na agad siya ng salamin sa mata. Mahilig kasi siyang magbasa ng aklat tungkol sa pagdodoktor. Iyon kasi ang utos sa kanya ng mga magulang niya na sina Donya Guada at Don Ysmael. Nais ng mga ito na maging mahusay siyang doktor pagdating ng panahon. May sakit kasi ang Papa niya. Nakartay na lang ito sa kama at hindi na nakakagalaw kaya sabi ng Mama niya ay kailangan niyang maging mahusay na doktor upang siya ang mismong gumamot sa Papa niya. Kaya naman sa murang edad ay pag-aaral agad ang inaatupag niya. Mayaman ang pamilya nila kaya naman may sarili siyang guro na nagtuturo sa kanya sa bahay. Buong buhay ni Damian ay hindi pa niya nagagawang maki

