MABILIS na lumipas ang mga araw, buwan at taon. Ang dating sampung taon na si Damian, ngayon ay dalawampung taon na. Marami na siyang kaalaman tungkol sa panggagamot. Ikaw ba naman ang ikulong sa mansion ay walang ginawa kundi ang mag-aral sa medisina. Halos naging pang-araw-araw na nga niya ang lab coat niya. Mataas ang pangarap ni Donya Guada sa kanya. At ang nais nito ay siya ang gagamot sa kanyang ama. Isang umaga, pagkagising niya, hindi pa man nag-aalmusal ay nagtungo na siya sa silid ng kanyang Papa Ysmael dala ang mga gamit niya. Pagpasok niya sa silid ay sumalubong sa kanya ang amoy ng silid na parang matagal nang hindi nabubuksan. Diretso siya sa kama kung saan nakahiga ang ama. Nakadilat na ang mata nito. Mukhang katulad niya ay maaga din itong nagising. Hindi na ito nagsasalit

