NAPANSIN ni Jessa na kanina pa hindi mapakali si Jasmine. Nasa salas sila at kapwa nakaupo lang. Pero si Jasmine ay panay ang tingin nito sa cellphone. Minsan ay tatayo, pupunta sa pintuan na parang may tinitingnan at pagkatapos ay uupo na naman. Nang akmang tatayo na naman ito ay hinawakan na niya ito sa braso para pigilan. “Jasmine! Nahihilo na ako sa’yo. Seryoso. Bakit ba parang hindi ka mapaanak diyan?” tanong niya sa kaibigan. “Nag-aalala lang ako kina Angelo. Look, kanina pa sila umalis pero hanggang ngayon wala pa sila. Pati si Hans na susundo sana sa kanila, wala pa rin.” “Tawagan mo kaya sila.” “Hindi nila sinasagot…” “Baka naman itinakbo na nila ang pera ko. Five thousand din `yon, `no. Para sa inyo na nagpapakuba sa pagtatrabaho, for sure, malaking pera na iyon,” ani Jessa

