GISING na si Jessa pero parang mabigat pa rin ang talukap ng kanyang mga mata kaya hindi pa niya iyon magawang ibukas. Bahagya ring masakit ang kanyang ulo. Pilit niyang inaalala kung bakit ganoon ang kanyang pakiramdam at nang maalala na niya ang lahat ay awtomatikong bumukas ang kanyang mga mata. “Nasa’an ako?” tanong niya agad. Doon niya napagtanto na nakatali ang mga kamay at paa niya sa kanyang kinahihigaan. Tumingin siya sa paligid. Malamlam ang ilaw sa silid na iyon at ganoon na lang ang gulat niya nang makita niya ang apat niyang kaibigan na katulad niya ring nakatali sa mga hospital bed. Agad na nagpanic si Jessa. “Pakawalan niyo ako ditooo!!! Pakawalan niyo ako! Ayoko na!” mangiyak-ngiyak na sigaw pa niya. Paano ay bumalik na naman sa alaala niya ang nangyari noon. Iyong pinad

