“BALIW ka! Baliw!” Galit na sigaw ni Jessa kay Dr. Damian habang wala itong tigil sa pagtawa habang nakatingin sa kanila. Tumigil sa pagtawa ang doktor. “Hindi ako baliw, Jessa. May baliw ba na kayang lumikha ng ganito kagandang bagay?” Bagay? Iyon pala ang tingin nito sa kanilang magkakaibigan. Isang bagay na pwede nitong paglaruan at gawin ang kahit na anong gusto nito. Tiningnan niya ng masama si Dr. Damian. Sigurado naman siya na may sira ang ulo nito dahil napakababaw ng pinaghuhugutan nito ng galit paukol sa kanilang lima. Walang matinong tao ang magtatanim ng galit dahil lang sa hindi ito pinapasali sa laro noon. Ang kailangan niyang gawin ngayon ay ang huminahon at pag-isipan kung paano niya matatakasan ang baliw na doktor. Pero mas magiging madali siguro ang pagtakas niya kung

