HINIHINGAL na pinahid ni Jessa sa pamamagitan ng kanyang kamay ang dugo sa kanyang mukha. Habang sa isang kamay naman niya ay hawak niya ang isang duguang itak o gulok. Binitiwan niya iyon at tiningnan ang dalawang patay na katawan na nasa harapan niya—sina Joey at Rocyn. “Mga walanghiya kayo…” Naiiling na sambit ni Jessa. “Mga halimaw pala kayo! Bibiktimahin niyo pa ako!” Kanina kasi, pagkatapos nilang kumain ng almusal ay nagulat siya nang biglang may lumabas na halimaw na sanggol sa p********e ni Rocyn. Dinambahan siya ng halimaw na sanggol at muntik nang kainin. Mabuti na lang at nakuha niya ang itak at nasaksak niya ito sa tiyan. Tinangka rin siyang patayin nina Rocyn at Joey dahil pinatay daw niya ang anak ng mga ito kaya napilitan siyang patayin din ang dalawa. Tinaga niya nang da
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


