PARANG ang sarap bumalik sa pagkabata… Iyong panahon na wala kang iniisip kundi ang makapaglaro kasama ang mga kaibigan mo. Tagu-taguan, habulan, bahay-bahayan, patintero at kung anu-ano pa. Mabigyan ka lang ng piso, masaya ka na. May pambili ka na ng candy. Ang tanging problema mo lang noon ay kapag pinapatulog ka ng nanay mo sa tanghali tapos makikita mo sa labas ng bahay niyo na naglalaro ang mga kaibigan mo. Kung pwede nga lang na huminto na lang sa paglaki noon… Napakasarap maging bata, iyon ang mga bagay na tumatakbo sa isip ni Jessa habang nakatutok ang baril na hawak ni Dr. Damian sa noo niya. Katapusan na nga ba niya ngayon? Maaaring oo. Pero sana hindi pa… Hindi pa dahil marami pa siyang gustong gawin. Mag-travel, magpakasaya sa buhay at magkaroon ng pamilya. Pero pinakagusto

