“BAKIT nandito ka pa?! Hindi ba’t ang sabi ko ay lumayas ka na?! Alis!!!” “`Nay… `W-wag niyo naman pong gawin sa akin ito…” Paglabas ni Rocyn ng kanyang silid ay ang galit na galit na nanay niya ang agad na sumalubong sa kanya. “Ang gusto ko ay wala ka na dito pagbalik ko! Wala na kaming anak. Patay na si Rocyn!” anito sabay talikod. Nanghihina na bumalik si Rocyn sa kanyang silid at naupo sa kanyang kama. Doon ay umiyak siya nang umiyak. “Diyos ko, ano po ba ang nangyayari? Paano nanyari ang lahat ng ito?” tanong niya sa Diyos. Pilit niyang hinahalukay ang utak niya kung paano siya nabuntis pero wala siyang makitang dahilan kahit na ano. Alam niya sa sarili niya na hindi siya nakipagtalik sa kahit na sinong lalaki sa nakalipas na tatlong buwan. Hindi siya ganoong uri ng babae. Naala

