WOMB 04

1157 Words

PARANG may kung anong puwersa ang pumipigil sa paa ni Rocyn sa paghakbang para umakyat sa bus papuntang Manila. Kung hindi pa siya tinapik ni Joey ay hindi pa siya kikilos para pumasok. Nagdadalawang-isip kasi siya kung tama ba ang gagawin niyang pagsama kay Joey sa Manila para doon manganak at magsimula ng bagong buhay kung sakali. Hanggang sa kanilang pag-upo ay nagdadalawang-isip pa rin siya. “Kanina ko pa napapansin, parang balisa ka…” puna ni Joey. “Joey, sa tingin mo ba, tama itong gagawin ko?” “Buo na ba ang loob mo na sumama sa akin? Pwede ka bang umatras habang hindi pa umaalis itong bus.” Nag-isip si Rocyn. Kung magpapa-iwan siya dito sa probinsiya, kanino naman siya titira? Hindi naman siya pwedeng bumalik sa kanila dahil galit na galit pa rin sa kanya ang kanyang mga magul

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD