NAPASINGHAP si Rocyn sabay balikwas ng bangon nang mapaniginipan niya ang matanda na pinatay niya sa banyo. Sinasakal daw siya nito at inilublob sa drum na may tubig. Humihingal na bumaba siya ng kanyang higaan at agad na pumunta sa lababo. Kumuha ng baso at uminom ng tubog mula sa gripo. Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Joey. May dala itong plastic. Kung ano ang laman niyon ay hindi niya alam. Nang lapitan siya ng lalaki ay nataka ito nang mapansin na namumutla siya. “Okay ka lang ba?” nag-aalala nitong tanong. “O-oo. Ganito lang yata talaga kapag buntis.” “Gano’n ba? Basta kapag may kakaiba kang nararamdaman, `wag kang mahihiyang magsabi sa akin. Oo nga pala, mag-almusal ka na. Nauna na ako kasi maaga akong pumunta sa palengke para makabili ng sariwang karne.

