“KUNG ikaw nga ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito, dapat ka nang mawala!” Butil-butil na ang pawis ni Rocyn. Kanina pa nakatutok ang kutsilyo sa kanyang p********e. Akmang ipapasok na niya ang kutsilyo doon nang bigla siyang matigilan. Naalala niya ang pangako niya dito na mamahalin niya ito. Umiiyak at nakokonsensiya na binitawan niya ang kutsilyo. Panay ang hingi ng tawad niya sa kanyang baby. Napakasama niya para isipin na ang sanggol sa kanyang tiyan ang dahilan kung bakit siya gumagawa ng mga bagay na hindi niya gusto. “Patawarin mo ako, baby… Patawarin mo ako!” Tila kinontrol na naman siya ng sanggol na nasa loob niya at nagsalita siya sa boses ng isang bata. “Bad ka, mama! Bad!” sigaw niya. Kinuha niya ang kutsilyo at hiniwa niya ang kanyang braso! Isang malakas na sigaw

