"Dinner?" gulat na tanong niya kay Harry habang kumakain sila. Sabay silang kumain ng tanghalian sa loob ng private office nito. Actually, it became a habit. Para bang normal na sa kanila na palagi silang magkasama o sabay na kumakain. Matapos ang nangyari noong isang araw ay parang mas lalo na silang nagkalapit. Wala man silang napag-uusapan pa, dahil na rin sa pagiging abala nila sa trabaho, ay tila ba naging malapit pa sila sa isa't isa. Hindi man niya aminin, unti-unti na siyang nahuhulog sa kung ano man ang meron sa kanilang dalawa ni Harry. Walang label, ganon. Ngunit walang isang sandali na magkasama sila ni Harry na hindi nito ipinaramdam sa kanya kung gaano siya kaespesyal para rito. At masaya siya roon. Ngunit hindi kuntento. May mga salita pa siyang hinihintay mula kay Harry.

