"Madam Jasmin Nicolas?" tawag sa kanya ng receptionist sa Lim Style Incorporation. Ilang minuto rin siyang naghintay sa lounge area ng eleganteng studio ni Jaime Lim. Maliwanag ngunit may artistic vibe ang dating studio ng sikat na celebrity stylist. Mahahalata mo na pawang mga rich and famous lamang ang magiging kliyente nito. Tulad ni Harry. Panay nga ang tingin niya kanina pa sa salaming pader na nasa tapat ng kanyang kinauupuan. Simpleng pants at short sleeved polo lang ang kanyang suot. Pakiramdam niya ay alangan na alangan siya sa lugar na iyon. Ngayon siya nagsisisi na pumayag siya sa gusto ni Harry na pumunta pa roon. Hindi nga siya sigurado kung kaya ba niyang sumama rito sa bahay ng ina nito mamaya. Tiyak na puro mga kilalang tao ang naroon. At siya? Sino ba siya? "Miss..." sa

