"Harry!" bulalas niya sa pangalan nito. Bakit ba bigla na lang itong naroon? At mukhang hindi lang siya ang nagulat kundi maging ang tatlo niyang kasama sa silid na iyon. "Sino pa bang prince charming ang inaasahan mo? Of course it's me," seryoso nitong saad habang marahang lumalapit sa kanya. "Harry!" saway niya. Hiyang-hiya siyang napatingin sa mga kasama nilang naroon. Hindi naman nakatakas sa kanyang pansin ang palitan ng mga ito ng tingin. Ano na kayang iniisip ng mga ito sa kanya?! Nakakahiya! "Hey..." malambing nitong anas nang makalapit sa kanya. Bahagya pa siyang nagulat nang dumiretso ang palad nito sa kanyang baywang. "Anong ginagawa mo rito?" tanong niya kay Harry upang mabawasan ang kabang nararamdaman niya. "I just drop by to make sure that you came. You are not answeri

