Nilo Matiim na matiim ang tingin nito habang nagngingit ang loob sa nakikitang masayang pagbabalikan ng babaeng halos sumira sa kanyang buhay noon at ng lalaking matagal na siyang banas na banas. Simula nang muli niyang makita si Jasmin sa isang mall noong nakaraang buwan ay hindi na nawala sa isip niya ang babae. Oo inaamin niyang totoong nagustuhan niya ito noong bata pa sila. Kakaiba naman kasi talaga ang ganda nito kumpara sa ibang kadalagahan sa kanilang maliit na probinsiya. Ngunit mas pinili nito ang mayabang na bagong salta na si Harry. Pareto niyang kinasusuklaman ang dalawa. Napalayas siya ng kanyang mga magulang at dinala sa isang rehab. Pagkatapos ay hindi na siya muli pang nakatuntong sa kanilang bayan dahil sa kahihiyan daw na inabot ng kanyang pamilya. Ipinadala siya ng

