Kinabukasan, wala si Harry sa opisina nang pumasok siya. Hindi ito bumalik kagabi at hindi rin tumawag o nagtext man lang sa kanya. Masama ba ang loob sa kanya ng lalaki? Hindi ba, dapat ay siya nga ang sumama ang loob dahil ipinagpipilitan nitong karguhin siya kahit na hindi pa naman malinaw kung hanggang saan sila. Kagabi pa niya iniisip ang tungkol sa kanilang dalawa. Inaamin niyang umaasa siya na baka mahal siya ni Harry dahil sa mga ipinapakita nito sa kanya. Ngunit mayroon pa ring takot sa kanyang isipan lalo pa na hindi naman niya naririnig kay Harry ang mga salitang mahal siya nito. Upang hindi na niya maisip ang mga bagay na nagpapagulo lalo sa isip niya ay inabala na lang niya ang sarili sa trabaho. Hanggang sa sumapit ang lunch break ay hindi pa rin dumating si Harry kaya nam

